Sen. Tito Sotto, Umalma sa Pa-presscon ng PNP sa SUV Driver na Naghit-and-run sa Security Guard!





Sa twitter ay binatikos at umalma si Senador Tito Sotto kung paano nagkaroon ng press conference sa Camp Crame ang driver ng SUV na nakasagasa sa isang security guard sa Mandaluyong. Ang pahayag ng senador ay nagpakita ng galit at inihambing ang posibleng pagtrato sa mga nagmumula sa mahihirap na sektor ng lipunan.



"Kapag mahirap nagkaw ng bayabas, kulong agad!" ani ni Sen. Sotto. Pagkatapos noon, tinanong niya ang Pangulo "What's happening to our country Mr. President?"

Hindi dumalo sa mga pagdinig ng LTO ang driver ng SUV na si Jose San Vicente, na kamakailan lamang ay nagpakita na lamang ito sa PNP. Sinamahan siya ng kanyang ina at ama sa Camp Crame, at sinabi ng kanyang ina na aksidente lang daw at "mabait" at "responsable" ang kanyang anak.



Nangyari sa Mandaluyong ang viral incident, kung saan isang security guard na nag-aayos sa trapiko ang nasagasaan ng RAV-4.

Nakunan ng video ang buong pangyayari at naging viral ito sa social media. Sinabi ni PLTGen. Vicente Dupa Danao, Jr., sa press conference, na posibleng natakot ang driver ng SUV sa båril ng security guard. Pagkatapos ay sinabi niyang ito ang dahilan kung bakit siya tumakas sa halip na tulungan ang security guard.





Sinabi tuloy ni Danao na isang napakalungkot na insidente na nasagasaan ng isang SUV ang isang security guard. "Siguro out of confusedness medyo na-rattle po yung driver,,"dagdag pa niya.

Sa kaugnay na kuwento, ibinunyag na ang security guard ay may ina na may sakit na hanggang ngayon ay inaalagaan pa niya. Ito ang ibinunyag ng isa sa kanyang mga katrabaho na si Chris Soriano, na nagsabi rin na siya rin ang "padre de pamilya."

Ayon kay Soriano, hindi pa ipinapaalam sa ina ng security guard ang kalagayan ng kanyang anak, sa pangamba na baka hindi na ito makayanan. Nagpahiwatig na rin ang ahensya ng guwardiya na tutulong sila sa gastusin ng matandang ina habang nasa ospital pa ang anak nito.

2 comments:

  1. Kawawa naman kaming mahihirap...kung kami kaya ang nakasagasa at nagtago...buhay pa kaya kami..????

    ReplyDelete
  2. bkit kming mahihirap pag kami ang nagkamali, gigil na gigil at laban na laban na silang makulong kami. pero bakit ang mayayaman kapag sila ang nagkakamali, kadalasan ang sasarap pa ng mga buhay, malayang malaya. khit kung minsan buhay na nga ang kanilang inutang. nasaan ana ang hustisya?

    ReplyDelete