Watch! VP-Elect Sara Duterte, Tinupad Ang Hiling ng Supporter Niya na Maging Ninang sa Kasal!



"Ninong BBM at Ninang Sara, kita po tayo sa kasal namin. June 25, 2022..."

Ito ang nakasulat sa hawak ng isang BBM-Sara Duterte Supporter noong April 21, 2022. Mismong si Vice President-elect Sara Duterte ang nagbasa ng sulat at pina-note niya ito sa kanyang mga staffs para hindi malimutan. Sinabi niyang pupunta siya sa kasal ng kanyang supporter at magsusuot ng damit na kulay gold o ginto.



Tinupad ito ni VP Sara Duterte at nagtungo nga sa kasal ng kanyang supporter sa BiƱan, Laguna. Makikita sa videos at mga larawan na naroon si dating Davao City Mayor Sara Duterte na nakasuot ng damit na kulay ginto habang kasama ang ilan pang mga ninong at ninang at ang newly wed couple.

Marami sa mga supporters ni VP Sara Duterte na napasana-all ay may ninang na bise presidente ng Pilipinas.





Tunay ngang ang kanta ni Andrew E. na may isang salita si VP Sara Duterte na sinang-ayunan naman ng kanyang mga taga-suporta.

"Ako po 'yung kinasal. Tunay na napakabait po ng ating VP Sara," komento naman ng bride na si Sunshine Camaya.



Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:

"May isang salita talaga ang VP natin"

"Kauna unahang politiko na tinupad ang sinabi during kampanya! Una sa graduation ng isang dalagita! 2nd sa kasal ! May prinsipyo at isang salita."

"Sya ang Vice President na May isang salita, we salute you and love you Vice President Inday Sara"

No comments