57-Anyos na Ina Mula Sorsogon, Tinupad Ang Pangarap na Makatapos ng Senior High School




"Wala sa edad ang pagtupad ng pangarap."

Ito ang pinatunayan ng 57-anyos na si Maria Diana Dugan ng Juban, Sorsogon nang magtapos ng senior high school sa Juban National High School noong Hunyo 28. Kuwento ni Dugan, hindi naging madali sa kaniya na maitawid ang pag-aaral dahil bukod sa pag-aalaga sa kaniyang anak, na-diagnose pa siyang may gallstone.




"Napakahirap ang magkaroon ng sakit lalo na sa panahon ng pandemya. Ang asawa ko ay simpleng karpintero lamang, habang ako ay sinusunod pa rin ang aking pangarap na magkaroon diploma. Ang sakit, kaya kong iinda kasi napakahalaga talaga para sa akin makapagtapos ng pag-aaral at tuparin ang pangarap kong umakyat sa stage."

Aniya, hindi siya nakapag-aral noon dahil 11 silang magkakapatid at naging kasambahay siya. Payo niya sa mga nag-aaral na may asawa't anak na pero gustong makapagtapos ng pag-aaral, "ang edukasyon ay para sa lahat ang edad, estado sa buhay, at pagkakaroon ng sakit ay hindi hadlang para tuparin ang anumang pangarap sa buhay."

Marami naman ang bumati kay Nanay Maria at marami din ang na-inspire sa kanyang istorya lalo na ang mga katulad niyang may edad na at gustong maabot ang kanilang pangarap na makatpos ng pag-aaral.

No comments