6-Anyos na Bata, Parating Pasan ang 3-Anyos na Kapatid na May Sakit



Lahat ng tao sa mundo ay may mga pinagdadaanan problema at pagsubok sa buhay. Kaya minsan, hinihiling na lang ng iba na bumalik sa pagkabata, 'yung masayang naglalaro sa labas at walang ibang iniisip. Ngunit, hindi lahat ng bata ay masayang naglalaro sa labas, maraming bata ang namumulat na sa kahirapan.



Lalong naghihirap ang mga kababayan natin dahil sa pandëmya at patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Kaya naman kahit na ang mga bata ngayon nay naghahanapbuhay na rin.

Halimbawa na lamang ang magkapatid na ito. 6-anyos pa lamang si Ace ngayon ngunit malaking responsibilidad na ang kanyang kinakaharap. Mayroong nakababatang kapatid si Ace, 3-anyos na may karamdaman. Kwento ni Ace, kahit saan siya mag-tungo ay pasan-pasan niya ang kanyang kapatid.





"Kahit saan ako magpunta, pasan-pasan ko yung kapatid ko. Kapag inaatake kasi siya ng sakit niya, tumitirik yung mata niya. Namumula rin siya. Natatakot ako."

Ani ni Ace, mahal na mahal umano niya ang kanyang kapatid at kahit hanggang sa pagtanda niya ay aalagaan niya ito.



"Kaya hindi ko siya magawang iwan. Paano siya kakain? Paano kung may mangyari sa kanya? Kaya hanggang sa pagtanda ko, aalagaan ko pa rin siya. Mahal na mahal ko po kasi ang kapatid ko."

No comments