91-Anyos na Lolo sa La Union, Nagtapos ng High School; Pinarangalan Bilang "Model Student of the Year"



Inspirasyon ang dala ni Lolo Federico "Pedring" Bentayen sa mga ka-eskwela niya sa Balbalayang National High School. Si Lolo Pedring ay 91-anyos mula Balbalayang, San Gabriel La Union. Sa kabila ng kanyang edad ay nagtapos siya ng highschool at nagmartsa kasama ng kanyang mga ka-eskwela. Pinarangalan din si Lolo Pedring bilang "Most Student of the Year".



Nabigyan ng pagkakataon si Lolo Pedring na magsalita sa entablado at ibinahagi niya ang kanyang mga naging karanasan bago niya mapagtagumpayan ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging inspirasyon sa mga kaataan.

Nahinto noon sa pag-aaral si Lolo Pedring dahil sa hirap ng buhay. Kinailangan niyang maghanapbuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.





Siya rin ang nagpaaral sa kanyang mga kapatid kaya naman, nang magkaroon na siya ng pagkakataon na makapag-aral ay kinuha na niya ang oportunidad sa kabila ng kanyang edad.

Si Nanay Josie, anak ni Lolo Pedring, ang kasama niyang umakyat sa entablado para tanggapin ang diploma.



Marami naman sa mga netizens ang natuwa kay Lolo Pedring at sa hatid nitong inspirasyon hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa mga katulad ni Lolo Pedring na sa kabila ng kanyang edad ay gusto pa ring makapag-tapos ng pag-aaral.

No comments