Ama na Halos Magkandakuba sa Pangangalakal, Pinasalamat ng Anak na Nagtapos ng Kolehiyo sa UP



"Laki ako sa hirap. Magbobote lang ang tatay ko. Sa tabing riles lang kami nakatira--sa squatter's area. At hindi ko ever ikinakahiya ang lahat ng ito dahil dito nagsimula ang pagbuo ko ng aking mga pangarap. Lalo na ang makagraduate sa UP.

"1995 nang magsimula si Papa na mangalakal o magbote-dyaryo sa tabing riles. For twenty-four years, ganito ang ikinabubuhay namin. Dito ako napag-aral ni Papa at Mama kung saan ang basura ng iba, ay pera para amin.



"Alaskwatro pa lang gising na si Papa para magkape saka mag-igib ng tubig. Pagdating ng alasingko, maliligo na siya. Alasais naman siya aalis ng bahay para mangalakal. Gamit ang DIY na trolley, na tintulak niya, babagtasin niya ang kahabaan ng riles ng Bucal hanggang Pansol at kinabukasan naman ang kahabaan ng riles ng Halang hanggang malapit sa may SM Calamba.

"Dadating ang tatay ko ng mga alas nuebe hanggang alasdyis ng umaga. Nakakarga na sa kaniyang trolley ang sako-sakong mga kalakal. May mga bote ng mantika, bote ng gin, bote ng ketchup, sirang batcha, mesang walang paa, bakal, sirang electric fan, karton at kung anu-ano pang pwedeng ibenta sa junkshop para mapakinabangan. Lahat binibili ni Papa. Pagdating niya sa bahay, aayusin niya ang mga ito sa labas bago magtanghali.

"Minsan bago magtanghali nagdedeliver na si Papa. Minsan din after lunch na o pahapon. Basta hindi gaanong mainit.

"Mula sa bahay, ilalagay ng tatay ko ang bisikleta niya sa riles, saka ikakarga ang mga kalakal. Pag napuno na ng kalakal ang bisikleta niya, saka naman niya papatakbuhin ito sa ibabaw ng riles. Hanggang marating niya ang dulo papunta sa kanto. Mula doon, saka naman siya magpapadyak papunta sa junkshop na pagdadalhan niya ng mga kalakal.



"Pag-uwi ni Papa, may dala na siyang bigas o panlutong ulam. Minsan may yelo at uling din noon. Minsan may Chooks-to-Go. Madalas kumikita ang tatay ko ng P300 hanggang P500 kada araw. May mga araw din na nakaka-700 hanggang P1000 siya—kung susuwertihen. Pero minsan lang yan. Hindi naman kasi araw-araw na nagdedeliver si Papa. Minsan tuwing makalawa. Minsan linggo-linggo lang.

"O kaya naman, kapag nakaipon na ng kalakal. Madalas kasi magbago ang presyo ng kalakal. Nanghihinayang si Papa lalo na kapag mababa ang presyo. Kaya iniipon na lang niya sa bahay lahat bago ideliver.

"Halos buong buhay ko nakita ko na ang hirap ni Papa at ni Mama. At hindi lang ito ang hirap na naranasan namin.

"Nandyan na sobrang hina ng kalakal tapos kahit nanghihinayang na siya, kailangan niyang ibenta ang kalakal dahil wala kaming pambili ng pagkain o pambayad ng kuryente noon. O kaya naman wala akong pambaon noon. May natatandaan din ako na wala halos mabili ang tatay ko dahil may isa pang nangangalakal sa tabing riles na mas tinataasan ang presyo kesa sa kaniya.

"Naranasan din namin na magkasakit si Mama noong 2005. Naubos lahat ng gamit namin sa bahay.

"Ubos din ang mga kalakal. Wala lahat, as in. Lugaw lang kinakain namin noon. Ang masakit pa, yung mga natulungan ni Papa noon, hindi namin naringgan kahit kumusta man lang. Matagal ding nagkasakit si Mama noon, akala ko nga noon. Di na matatapos yung pinagdadaanan namin. Sa awa ng Diyos, gumaling si Mama.



"Isa pang pinakamahirap na pinagdaanan namin, ay ang pagkakaroon ng bisyo ni Papa noon. Kahit na magbobote lang ang tatay ko, may bisyo rin yan. Noon madalas mayaya ang tatay ko sa mga inuman ng kapitbahay. Mga alasingko, nag-iinom na ang tatay ko. Papasok siya sa bahay ng mga alasnuebe hanggang alas onse ng gabi. Noon may mga pagkakataon pa na kung hindi tawagin si Papa, saka pa lang siya papasok sa bahay. Madalas din na galit si Mama sa bahay lalo na pag nadatnan niya si Papa na umiinom.

"May pagkakataon din noon na nasa tong-itan naman si Papa. Mula alasingko ng unaga hanggang alsdose-minsan nga alastres pa-hanggang kinaumagahan, nasa sugalan pa si Papa. Minsan panalo. Minsan talo. Kaya ang ginagawa namin ni Mama noon, madalas na humihingi na kami ng pera sa gitna ng laro niya para kahit papaano may uwi siya. Pagdating ng umaga, matutulog na siya. Hindi na makakapamili ng bote. Magkaaway pa sila ni Mama.

"Noon, may mga pagkakataon na sumasama ang loob ko kay Papa, pero nang tumagal naunawaan ko rin lahat. Naunawaan ko na parte to ng pagiging mahirap namin.

"Yung mga pinagdaanan naming mga hirap at problema sa buhay ang nagpush sa akin na makapagtapos ng college.

"Hanggang isang araw noong 2005 pagkagaling ni Mama, nagkaroon ng pagkakataon na malaman ko ang tungkol sa UP.

"May matalik na kaibigan kasi si Mama, si Tita Merly, na umuwi galing US. Matagal din silang di nagkita kaya nagkayayaan na doon kami matulog para makapagbonding kami.

"Malapit sa UPLB sa ang bahay ni tita Merly. Yung bahay na may second floor sa tapat ng Java Avenue (Tonton’s Sisig na ngayon).

"May pasok ako noon Central 1 sa Calamba. Babyahe pa ko mula Los Banos kaya maaga kaming gumising. Nasa bukana ako ng gate ng noon ay tindahan nila Tita Merly. Nasa gilid lang naman kasi ang bahay nila Tita Merly ng FO Street.

"Nakakita ako ng mga nagdadaang mga kabatan. Mukha silang estudyante pero hindi nakauniform. Marami sa kanila nakapambahay, maluluag tshirt at shorts o maluluag na tshirt at kupas na pantalon saka nakatsinelas lang sila. Yung ibang mga lalaki may mga bigote at mahahaba ang buhok na parang sa F4.

"Nagtaka ko noon kasi, halos yung ibang mga nakikita ko, mukhang may binabasang mga papel habang naglalakad (nagrereview). Kaya nagtanong ako kay Tita Merly.

"Saan po sila pupunta? Bat para po silang mga papasok?"

"Ah mga taga-UP yan." sagot ni Tita Merly. "Dyan ka mag-aral. Mura diyan. May allowance ka pa." Dagdag pa ni Tita. Noong mga taong 2000s, 200-600 per unit pa lang kasi ang tuition sa UP. Bago maging 1500 per unit at maging free tuition kamakailan lang.

"Dahil sa sagot niya, tumatak sa isip ko na gusto kong pumasok sa UP. Na kapag sa UP ako pumasok, Mababawasan na ang hirap ni Papa at Mama. Mababawasan pa ang gastusin namin sa bahay. Pwede na rin kaming makaalis sa tabing riles pag nakatapos ako ng pag-aaral.

"Pagdating ng Grade 6, doon ako nagsimulang mag-isip kung paano ako makakapasok sa UP sa pinakamadaling paraan. Kailangan kong mas matuto o mas mahasa para makapasa sa UPCAT. Kahit alam kong di naman ako matalino. At parang imposible.

"Nalaman ko sa teacher ko sa Math na si Sir Jovellanos na may San Pablo Science High School at UP Rural High School. Nag-exam kami ng ilan kong kaklase kasama ang mga taga pilot sa SPSHS. May nakapasa sa written, walang natanggap sa interview. Hindi kami nakapasang lahat. Sinunod ko ang UP Rural, dalwa lang ang nakapasa sa mga nagtake sa amin dito.



"Halos naubusan na ko ng pag-asa noon, kasi yang dalawang school na yan ang alam kong na pinakamataas na high school sa Laguna. Hanggang sa sinabi rin sa akin ni Sir Jovellanos na mag-exam ako sa Los Banos National High School, kasi maganda rin daw doon. Malapit din daw yun sa UP. Tinry ko.

"Muntik pa kong hindi makahabol sa mag-eexam para sa pilot section nila kasi magpa-five na noong nakarating ako sa LBNHS. Buti na lang, may isa pang ng faculty na naabutan ko (Hello Sir Brasal).
Sa awa ng Diyos, nakapasa ako sa pilot section.

"Sa pagpasok ko sa LBNHS doon ko nalaman na lagi palang invited ang mga taga-LBNHS sa mga events, seminars, forums and other activities na hineheld sa UPLB. May mga teachers din kaming mga UP Graduate at sobrang daming alumni ng LBNHS nakakapasa sa UP. Magagaling din magturo ang mga teachers ko sa LBNHS kaya alam ko noon, na nasa tamang daan pa rin ako.

"Dumaan ang first hanggang third year high school, hanggang sa mag-UPCAT na kami. Nag-enrol rin ako sa isang review center dahil karamihan sa mga nag-UPCAT sa LBNHS noon, nakakapasa.
Base sa mga payo ng review center, kinuha ko ang UPLB as 1st choice na campus (1st choice BSEcon, 2nd Choice BASOC). Second choice ko naman ang UP Mindanao (1st choice Creative Writing, 2nd Choice, Language Studies, di ko sure kung yan yon)

"Matapos ang UPCAT, nag-intay ako ng ilang buwan para sa judgement day.
Nang lumabas ang UPCAT RESULT 2011…

"Hindi ako nakapasa sa dalawang campus na napili ko.

"Sa una nasaktan ako ng sobra noon dahil lahat ng plano ko simula 2005, parang bula lang na nawala. Pinaghirapan ko rin naman mag-aral kahit papaano. Nahiya rin ako kay Papa at Mama dahil simula pa lang nang sabihin kong magtetake ako ng UPCAT, sinuportahan na nila ako. Pero dahil hindi naman talaga ako matalino, hinanda ko rin noon ang sarili ko. Na kung babagsak man ako sa UPCAT, kailangan kong tanggapin. Di pa rin ako dapat mawalan ng pag-asa. Alam ko kasing may paraan pa.
Nagset ako ng ibang plano habang nag-iintay ng UPG. Habang nag-iintay, nag-exam na rin ako sa dalawa pang colleges sa Calamba. Para sure. If ever na di talaga pwede, I will take the chance to take at least 33 units sa ibang school tapos magtatransfer ako sa UPLB. Para lang matupad yung sinimulan ko.
Nung dumating ang UPG ko, nalaman ko na pasok ako sa maraming courses sa UPLB, pinili ko ang BS STAT at BSAgECON nang magpasa ako para sa reconsideration.

"Habang nag-iintay kung saan sa dalawang course ako maiinterview, nag-exam muna ako sa Calamba City College at sa Letran Calamba. Pumasa ako parehas.

"Enrollment day sa CCC noong lumabas yung list ng mga nakapasok sa interviewhin. Di ko na tinuloy yung sa CCC. Pumunta na ko ng UPLB. Doon ko nalaman na nakapasok ako sa iinterviewhin sa AgEcon.

"After a few days lumabas yung result. It turnout na pasok ako sa AgECON.

"And finally, naabot ko yung pangarap na makapasok ako sa UP. Yun nga lang, I really don’t know na yun na pala yung pinakamadaling part ng pagpasok sa UP--yung UPCAT at enrollement. At that time, di ko rin alam kung saan ako kukuha ng around 15-21K na pang tuition.

"Pagkatapos kong matanggap sa UP, sinunod ko namang asikasuhin ang STFAP para malibre ako sa tuition sa UP. Wala akong babayarang tuition pero may babayaraan akong Php 45.50 per sem.
Nang makapagpasa ko ng results, matagal bago ko malaman ang result ng STFAP. Aabutin na ng pasukan kaya nagSLB muna ako. 20% ang babayaran sa tuition. Di kasi talaga naming kaya ang around 21K. Nasa 5K din yung babayaran ko noon.

"Nagbenta agad-agad si Papa ng mga kalakal nang malaman niya to. Mas excited pa siya sakin.
Binenta ni Papa yung dati naming poso. Saka iba pang kalakal para makapag-enroll ako. Pagkaenrol ko, lumabas yung resulta na E1 ako. Free tuition lang. Hindi ko nakuha yung may allowance (E2). Pero okay lang noon, atleast bawas sa gastusin.

"Nanatili akong E1 hanggang 3rd year. Hanggang sa naglakas loob na ako mag-appeal pagdating ng 4th year. Pinaliwanag ko kala Ma’am Jen na hindi ganoon kalaki ang kita sa pangangalakal ni Papa. Hindi sapat ang isang daan isang araw na baon ko noon. Madalas kasi na paiba-iba ang presyo ng kalakal kaya minsan iniipon ni Papa sa bahay ang mga kalakal niya para in case na tumaas ang presyo, medyo malaki ang kita. Kaya isang daan lang angbkinakaya niyang maibigay.

"Natanggap ako sa E2 kinalaunan. Nagkaallowance na idinadagdag ko sa ibang gastusin sa pag-aaral sa UP. Dahil nga hindi lang sapat yung isang daan at marami pang ibang ginagastos gaya ng handouts at minsan, projects. Dati rin wala akong laptop kaya usually nagcocomputer ako sa labas ng campus para gumawa ng paper. Nagsimula rin akong magdorm dahil hirap na hirap ako mag uwian noon. Antraffic kasi sa Anos, laging maingay ang mga kapit bahay namin pag gabi at delikadong umuwi sa amin pag gabi.

"Kaya nag-apply rin ako bilang student assistant nung kinalaunan para mabawasan yung bigat kay Papa. Mula sa sweldo at allowance, doon ako kumuha ng mga pantustos sa iba pang gastusin ko noon.
Pero bilang sa UP ako nag-aaral ang isang katulad kong hindi matalino at anak lang ng mahirap, hindi lang ako sa financial nahirapan. Of course, mas mahirap mag-aral sa UP.

"First year pa lang kasi, may singko na ako. Hirap na hirap ako sa Zoo 1- hindi kasi ako magaling magmemorize. Pagdating ng second year puro GE naman yung nakuha ko plus Math 14 na nasingko ko na naman ako. Nahirapan kasi akong pagsabayin ang Eng 2 at Math 14 noon then madalas din kaming may mga meetings at mga ginagawang projects sa iba ko pang GE.

"Then everything is all history. Di ko maiwasan na may mga singko talaga ko every sem. Simula 2011, hanggang 2014 meron. Iisang sem ko lang nalasap na walang singko, 1st sem 2015. Sa sumunod na sem, meron na ulit. May dalwa akong subjects na natake 3 ko, yung Stat 1 apat. Yung isa hanggang 7 takes, Chem 15 lecture. Pero lahat sila, naipasa ko at alam kong pinaghirapan ko. Kaya alam kong ganoon man ang nangyari, sulit pa rin. At worth it. Hindi ko kailangan sukuan lahat kasi, alam ko noon na naasa sila Papa sa akin. At sila naman yung unang reason kung bakit ako pumasok sa UP.

"Dahil sa mga pagkabigo konsa acads, nagkaroon ng epekto ang mga subjects ko sa mga sumunod na sem. Kaya tumagal ang stay ko sa UP. Kaya ako nadelay. Madalas ko ring hindi kumpletuhin yung exact na load ko dapat kasi kapag full load ako, mas delikado ako noon. Palagi kong sinnisigurado na in case, dapat max of isa lang ang mabagsak ko.

"I admit, hindi talaga ako yung stereotype na matalinong UP Student pero matiyaga ako. Kahit nga alam kong babagsak na ako, pumapasok pa rin ako. Hindi ako nagdadrop. Para alam ko kung ano ang mga aaralin at paano ko maipapasa sa susunod. Pwede ko siyang hindi pasukan o idrop pero nanghihinayang rin ako noon, di lang sa tax, sa hirap ng magulang ko pero pati na rin sa pwede ko pang matutunan kahit pabagsak na ako.

"Maraming araw rin na nagpa plano ako na araw-araw aaralin ang mga subjects para maiwan ang singko. Kaso palaging hindi natutupad dahil marami ring ginagawa sa iba pang subjects. At hindi rin ako expert sa time management noon. Kaya ang nangyayari 2 to 3 days before the exams lang ako nakakaaral or worst 1 to 2 days before. Saka sino ba namang UP Student ang nakaka-aral 1 week before the exam regularly?

"Maraming beses na nangyari na isang araw lang ako nag-aral pero nakapasa ako or nakakuha ng 1.75, 2.0, 2.25. Malala yung mga pagkakataon na nag-aral naman ako ng matagal (yes ginawa ko sa take 2 ng econ 102 na 2 weeks before the exam, nag aaral na ako), prepared ako pero bagsak pa rin ako sa exam. At yun yung masakit kesa sa pagbagsak sa UPCAT. Yung kahit nag-aral naman ako at alam kong aral na aral ako, minsan talaga bagsak pa rin.

"Naapektuhan din sila Mama at Papa ng pagkadelayed ko sa college. Lalo na si Papa.

"Mula kasi nang pumasok ako sa UP, unti-unting nagbago si Papa. Tumigil siya sa bisyo niya. Hindi na siya umiinom o nag-totong-its sa kapitbahay. Minsan, lumalabas pa rin siya pero madalang na.


"Nakakainom pa rin siya noon at nag-aaway pa rin sila ni Mama pero bihira na rin. At simula nga nong nagdorm ako sa UPLB, mas nabawasan yung mga away nila ni Mama. Sa loob na lang din ng bahay nag-iinom si Papa mag-isa. Kaya nga lang sa paglipas ng mga taon at habang tumatagal ako sa university, parang naiinip na rin si Papa. Madalas siyang nagtanong kung kailan ako gagraduate. Mga dalawang beses din siyang nagdeliver ng kalakal tapos, nong nalaman niyang hindi pa ko gagraduate, nag-inom siya.

"Hanggang sa namalayan ko na lang na halos lagi na namang nag-iinom si Papa sa labas ng bahay. Palaging natawag si Mama sakin, nagsasabi na nagbibisyo na naman si Papa. Hanggang sa dumating na sa point na minsan, kapag umuuwi ako, hindi maiwasan na masabihan ako ng "Ang taga-tagal mona sa UP, di ka pa graduate." , "Nagdodoctor ka na ba? Bat di ka graduate?" At iba pang salita na noon, masakit sa akin kasi, alam ko naman na ginawa ko at ginagawa ko lahat para sa kanila at higit sa lahat, sila yung dahilan bakit ako pumasok sa UP. Hindi ko rin naman masisi si Papa. Hirap na rin kasi siya at nagkakaeadad na. Nagrereklamo na siya na minsan, may masakit sa katawan niya. Kaya sa loob ng tatlong semester, hindi na lang ako humingi ng baon o pera kay Papa. Para maiwasan na lang din na mas lalo siyang mag-inom saka mas mahirapan sa pangangalakal. Hindi rin ako umuwi sa amin kahit isang sakay lang ng jeep ang bahay namin.

"Pinagkasya ko na lang yung sweldo ko sa pag-e-SA saka yung mga food stub galing UHO at UPREPS saka sa mga tulong na bigay ng churchmates ko sa Victory at ng mga kamag anak.

"Sobrang hirap magthesis lalo na may mabigat na pinagdadaanan. Nakadalawang topic din ako dahil apektado ako masyado ng mga nangyayari sa pamilya namin. At saka, mahirap talaga magthesis.Makailang beses ko ring naramdaman na ang liit kong tao, na naiiwan na ko ng lahat even my bestfriend, graduate na. Na ubos na ubos na lahat ng kaibigan ko at hindi ko na kilala yung mga tao sa campus. Na ako na lang mag isa.

"Dahil sa dami ng nangyari, nagkaroon ako ng depression I almost commited suicide once. Napigilan ko lang ang sarili ko noon dahil naisip ko kung paano sila Papa at Mama pag nawala ang solo nilang anak. Saka, wala naman sila sigurong kasalanan kung ganoon ang nangyari.

"Sa awa ng Diyos, nalagpasan ko ang phase na yon. Itinuloy ko ang pagtapos ko sa thesis ko. Palagi ko na lang sinasabi noon sa sarili ko na kaya ni God lahat to. Siya lang at ang ilang kaibigan ko ang naging kasangga ko para matapos ko lahat hanggang dulo ng thesis ko. Palagi kong inaalala si Papa at Mama hanggang matapos ako aa thesis manuscript revisions ko last January.

"Sabi nila kapag nasa UP ka, matalino ka or magaling ka na. That "creame of the crop" cliche. Pero, tingin ko, hindi na yon totoo. Lahat siguro ng pumapasok sa UP ngayon, hindi matalino. May alam lang. Sa tingin ko kasi, isang abstract na konsepto ang talino. Lahat may kaniya kaniya at iba-ibang way ng talino. Ang alam ng isa, hindi alam ng isa. At sa pagpasok niya sa UP, doon nahahasa at mas nadadagdagan at nahuhubog hindi lang ang kaniyang alam kung hindi pati na rin kung paano ito gagamitin para paunlarin ang bayan.

"Para matulungan ang bayan, on the process, tuturuan ka ng UP kung paano mag-isip ng tama. Paano maging kritikal, malikhain, resilient at resourceful kahit na wala ka nang resources o lakas ng loob na magpatuloy.

"Tinulungan ako ng Unibersidad na buksan ang isip ko sa lahat ng posibilidad ng buhay at ng uniberso para mas maging resilient at resourceful. Na there are always chances if we failed, solutions to never-ending problems gaya ng kahirapan and that poverty is a reality na pwedeng talunin at basagin. Provided naman kasi sa atin ni Lord ang tapang, chaga, sipag, at nilaga. It’s a matter of fact lang din na kailangan din nating mag-ask or maniwala na hindi lang tayo nag-iisa sa laban ng buhay. Maraming blessings si Lord na nakahanda, if we only ask for the guidance through all the challenges we face.
Isang malaking biyaya sa akin na matupad yung pangarap ko na makapasok sa UP. Noon, iniimagine ko lang na aakyat ako ng stage sa UP Graduation. Hanggang sa unti-unting binigay ni Lord ang lahat hanggang sa nakapasok na nga ako sa UP. Though there may be a lot of challenges and things that happened during my stay in UP, all of it has put an impact on who I am right now. At kung paanonko matutulungan si Papa at Mama.

"Noong 2005, nagsimula ang pangarap kong makapasok sa UP. At, ngayong 2019, lalabas na ako.
This is the sablay that was 13 years in the making.
But it's really worth the wait.

THOMAS JOHN CARAAN TENEDERO
2011-65162
Bachelor of Science in Agricultural and Applied Economics
Major in Agricultural Policy and Development
Cum--Cumawala sa hirap ng acads at sa hamon ng buhay.

"Para sa lahat ng nakikipaglaban pa rin sa Acads nila, Wag niyong sukuan angsarili niyo. Kahit ang hirap na, ipush niyo pa rin at wag lang din nating sigurong isuko ang ang sarili natin kasi di na natin kaya. Importeng tandaan na mula noong pumasok ka sa UP, isa ka na sa mga hindi dapat sumusuko. Paano ang bayan kapag sumuko na tayo ngayon pa lang diba? Isa pa, think of the things na naachieve at napagdaanan mo na. Specially, the blessings that God has given you simula noong naging UP student ka. Ngayon ka pa ba susuko? Lahat nang nangyayari sa atin blessings at grace ni God.

"Maraming-maraming salamat sa inyo Papa Estanislao Tenedero at Mama Fely Tenedero para sa walang humpay na suporta, pagmamahal at paniniwala.

No comments