Graduation Ceremony, Inulan at Binaha: "The show must go on"



Hindi alintana ang baha at malakas na ulan dahil tuloy pa rin ang graduation ceremony ng mga estudyante na nagtapos mula sa Davao Oriental State University kahapon. Ayon kay Nisielgrace Elesio Ambasan, naganap ang graduation sa Baywalk, Mati City, Davao Oriental kahapon ng 2:00 p.m. pero umulan din sa lugar.



Tuloy-tuloy ang pag-ulan kahit noong tinatawag na ang mga pangalan ng mga estudyante para tanggapin ang kanilang diploma. Ang ibang kaklase niya, nabasa na rin ang mga damit at nanginginig sa lamig pero "the show must go on."

Memorable ang kanilang graduation dahil napatunayan nila na sa hirap o sa tagumpay, at kahit ulan o baha pa ito, sama-sama nilang nairaos ito.





"Happenings outside Baywalk Mati City during the 2nd Commencement Exercises of Davao Oriental State University in spite of the heavy rain. July 13, 2022," caption ni Nisielgrace sa kanyang post.



Si Nisielgrace ay isa sa mga nagtapos sa Davao Oriental State University sa kursong Bachelor of Science in Hospitality Management. ANg kanyang post ay ibinahagi at na-feature din ng GMA News. Marami ang nagbigay ng pagbati kay Nisielgrace at sa kapwa niya graduates.

No comments