Palaboy na Yumakap Noon sa Isang Reporter, Pumanaw Na!




"So this happened at work today. A free hug," ito ang post ni ABS-CBN reporter Izzy Lee noong Abril. Matatandaan na lumapit sa kanya ang palaboy at kinalaunan ay yumakap sa kanya. Marami ang natuwa sa reporter dahil hinayaan lang niyang yakapin siya ng palaboy. Dahil sa viral post na ito ay natagpuan rin ng mga kaanak ang palaboy na ito.




Pumanaw na nitong Sabado nang umaga ang palaboy na nag-viral sa social media matapos akapin ang ABS-CBN reporter sa live report nito noong Abril, ayon sa pamilya nito. Ayon sa kapatid ni Melanie Dubos na si Mona, pinaalam ito sa kanila ng psychiatric hospital kung saan siya naka-confine para sa kanyang mental health treatment.

Kinumpirma rin ni Peachy Lacabo ng Muntinlupa Social Services Department ang balita.

Nang mag-viral ang report, matatandaang dinala sa naturang ospital si Melanie Dubos matapos niyang makamang muli ang kanyang pamilya, na matagal na pala siyang hinahanap. Inaantay pa ng pamilya ang iba pang detalye tungkol sa kanyang pagkam├ątay.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Eternal rest grant unto Melanie, O Lord and let perpetual shine upon her. May she rest in peace!"

"God is good. Nahanap niya ang pamilya niya bago siya pumanaw. Indeed, life is too short. Let us cherish every moment as if it were the last. Let us use our precious time wisely. Love faithfully and be kind always. May eternal repose be granted thee upon her soul."

"May you Rest In Eternal Peace Melanie in God’s glorious Kingdom!"

No comments