Pumanaw na Estudyante, Pinagawan ng Standee ng Kanyang Mga Kaklase Para sa Graduation
Pinagawan ng life-size standee ng magkakaklase ang 21-anyos na si Ma. Isabel Garcia para kasama pa rin nila sa graduation sa kursong Bachelor of Science in Office Administration. Ipinasa ng magkapatid na Mariela at Marvic ang standee ng panganay nila sa Camarines Sur Polytechnic Colleges Gymnasium sa Nabua noong Hulyo 8.
Hindi napigil ng ilan na maluha habang iginagawad ang diploma ni Isabel sa mga kapatid, lalo't kilala itong magaling, mabait, masipag at maalalahanin na kaklase't ate.
"Miss ko na siya, gusto ko siyang yakapin," ani ng pangatlong kapatid na si Marvic na ikinuwento ang pagiging supportive ng ate niya tuwing sumasabak siya sa pageants.
Bago pumanaw noong September 2021 dahil sa kidney failure, pinagsasabay ni Isabel ang pag-aaral at pag-aalaga sa inang may breast cancer na pumanaw noong Disyembre.
“Gusto niya po mag-focus kay mama. Gusto niya po si mama gumaling, gusto niya po si mama makalakad kasi aakay daw po sa graduation niya si mama po at si papa,” ayon sa kapatid niyang si Mariela.
Pangako ng magkapatid, sila ang tutupad sa mga pangarap ng kanilang ate gaya ng makapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng sariling jeep ang tsuper nilang tatay.
“Ate, Mama, sana happy kayo sa heaven. Sana gabayan lang ninyo kami, si papa sa pagmamaneho araw-araw,” saad ni Mariela.

No comments