Solenn Heussaff Expecting Second Baby With Husband Nico Bolzico



Ibinahagi ng mag-asawang Solenn Heusaff-Bolzico at Nico Bolzico ang magandang balita ngayong Lunes, Hulyo 4, 2022, sa pamamagitan ng isang post sa Instagram Reels. Sa video, gumawa ng skit sina Nico at Solenn at umaktong parang sinusubukan nila ang isang bagong x-ray app. Nang subukan ni Solenn ang app, nakita nito ang isang sanggol sa kanyang tiyan.




"Wait, what?" ani ni Nico sa caption.

Agad na napuno ang comments section ng post ng mga congratulatory message mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga. Tuwang-tuwa sa baby news ang kapwa It Girls ni Solenn na sina Anne Curtis-Smith, Georgina Wilson, Isabelle Daza, Bea Soriano-Dee, at Jess Wilson.

Nagkomento si Anne, "Hahahahaha I love this!!!!! [heart emojis]"

Ani naman ni Belle, "Yassss [raise hands emojis]"





Kabilang sa mga celebrities na bumati sa mag-asawa ay sina Bianca Gonzalez, Janina Manipol, Michelle Dee, Ruffa Gutierrez, Iya Villania, Kean Cipriano, Juancho Trivino, Nadine Samonte, Rodjun Cruz, Sheena Halili, at Saab Magalona.

Ikinasal sina Solenn at Nico noong May 21, 2016 sa France. Mayroon na silang dalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Thylane Katana.

No comments