Tricycle Driver Noon, Nagmamay-ari na ng Tatlong Gasolinahan Ngayon!



Marami ang humanga kay Jimmy, dating tricycle driver at ngayon, isa nang ganap na negosyante. Sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ibinahagi ni tatay Jimmy ang kanyang dating buhay hanggang sa umasenso dahil pinursigeng makamit ang kanyang pangarap. Ngayon ay may-ari na siya ng tatlong gasolinahan at nakapagpundar na ng bahay, saskayan, lupa at rice mill.



"Nakatira lang kami dati sa squatter. Mahirap lang kami talaga noon. Bata pa lang kami, sanay na kami sa trabaho."

At dio na nagsimulang mangarap si tatay Jimmy at unti-unti niyang inabot ang mga pangarap. "Kaya ang tumatakbo sa isip ko noon, 'Balang araw, magkakaroon ako ng sariling lupa, bahay at negosyo.' Ang naging pinakahanapbuhay ko nu'ng tumanda, namamasada ng tricycle. Pinagsabay ko 'yun sa pag-aaral.





"Unti-unti akong nagsumikap para matupad ang mga pangarap ko. Ngayon, may-ari na ako ng tatlong gasolinahan dito sa amin! Nakapagpundar na kami ng mga sasakyan, bahay at lupa, pati rice mill!"

Dahil sa mga biyayang natatanggap niya ay gusto rin niyang magbigay sa kanyang kapwa.



"Kaya para makapagbigay rin ako kahit papaano sa iba, may diskuwento sa gasolina ang mga tsuper. Nakita ko kasi 'yung hirap. Eh ngayong mataas ang gasolina, magkano na lang kinikita nila. Kaya ang sabi ko, 'Dapat magbigay tayo. Kahit maliit lang 'yung ginansya, at least nakatulong tayo sa iba."

No comments