Anak ng Mananahi, Top 1 sa Board Exam; Isa ng Ganap na Doktor Ngayon



Bawat guma-graduate na anak ay may mga magulang na masaya. Ito ang naramdaman ng magulang ni Jomel Lapides nang makatapos siya sa pag-aaral at mag-Top 1 pa sa Jomel Lapides Physician Licensure Examination. Sa kabila ng hirap ng buhay nina Komel ay hindi napigilang magkaroon ng napakataas na pangarap. Una siyang nag-aral ng kursong may kinalaman sa pagiging nurse bilang paghahanda na rin sa kanyang kagustuhan na balang-araw ay maging doktor.


Napabilib ni Jomel ang mga netizens dahil sa taglay niyang galing at determinasyon sa pag-aaral. Sa ikalawang pagkakataon kasi ay nasungkit niya ang Top-1 position sa board exam. Sa pambihirang pagkakataon ay nakakuha siya ng pinakamataas na average na 88.4% noong 2011 Nursing Licensure Exam samantalang umabot naman sa 88.67% ang nakuha niyang marka sa ginanap na Physician Licensure Exam para sa mga doktor.

"Sobrang unexpected and surprised. Talagang thankful lang kay Lord. I prayed at least makapasok ako sa Top 10. Si Lord po iba yung binigay lagpas-lagpas."



Tuwang-tuwa ang buong pamilya ng binata lalong-lalo na ang kanyang mga magulang na super proud sa kanilang anak. Samantala, sa ngayon ay gusto pang mag-aral ni Jomel at ituloy ang pangarap niyang maging isang Ophthalmologist, ang doktor na nangangalaga ng ating mga mata.


"Talk to the Lord and tiwala lang sa kaniya. Have faith. Siya yung ground and source ng strength. And also solicit the help of your family and your friends and get your inspiration from them. Really know yourself and set your goals po."

No comments