Angelica Panganiban, Blooming sa Kanyang Maternity Photoshoot



Inanunsyo na ni Angelica Panganiban ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng kanyang Instagram page noon, na ikinagulat ng kanyang mga social media followers. Ibinahagi ni Panganiban ang larawan ng kanyang sonogram kasama ang kanyang kasintahang si Gregg Homan sa background, sinabi ni Panganiban na sa wakas ay magagampanan niya ang pinakamahalagang papel sa kanyang buhay.




Hindi naman napigilan ni Angelica at ni Gregg na maluha nang malaman nila ang kasarian ng kanilang unang baby. Sa isang vlog na ipinost noong Hunyo 11, Sabado, pinasulyap ng aktres ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta sa kanyang kamakailang ultrasound scan.

Kasama ni Angelica sa loob ng clinic si Gregg na nagpahayag ng kanyang pananabik sa kasarian ng kanilang baby, na binanggit pa niya na gusto niya talaga ng babae.




Sa instagram post, ay ibinahagi naman ng aktres ang kanyang maternity photoshoot at may caption na, "Sails up! Happiness is on the way."

No comments