Batang Babae, Ngiting Panalo Pa Rin Kahit na Putikan na
Saya ang hatid ng larawan ng isang batang babae na nakaangkas sa motorsiklo.Suot ang school uniform, tila siya ay inihatid o 'di kaya ay sinundo sa paaralan. Ang larawan ay ipinost ng Bombo Radio Roxas noong August 24, 2022. Nakahinto ang nagmamaneho ng motorsiklo at inaayos ang payong ng little girl nang makunan ng picture.
Nakatingin naman ang bata sa kumukuha ng picture, at pinakawalan ang kanyang sweet smile. Ang caption sa picture: "Kaya pa ba, bebegirl?" Punung-puno kasi ng putik ang ibabang bahagi ng school uniform ng bata. Maging ang pang-itaas niya ay may mga tilamsik na rin ng putik. Hindi na makita ang kulay ng kanyang sapatos dahil nakulapulan na rin ng putik.
Kung pagbabatayan ang hitsura niya, ng naghatid sa kanya, at maging ng motorsiklo, mahihinuhang dumaan sila sa sobrang maputik na daan.
Ang nasabing post ay nakakuha na ng 240K reactions, 4.8K comments, 9.8K shares. Tuwang-tuwa naman sa smile ng baby girl ang netizens, at nagbigay sila ng iba’t ibang opinyon dito bukod sa sobrang good vibes na kanyang hatid. Nakakawala umano ng pagod sa parents kung ganito ang attitude ng anak, na kahit mahirap pumasok sa school ay masaya pa rin.
Ngiting tagumpay, sabi ng iba. Marami ang nagsabing nakaranas din silang maputikan nang ganito noong nag-aaral pa sila sa probinsiya.
May nag-suggest naman na ilagay sa plastic ang school uniform at bihisan na lang ang little girl pagdating sa school. Pinuri nila ang tiyaga ng naghahatid-sundo, na marami ang nag-assume na tatay ng bata.
Ilan din ang nag-shout-out sa Department of Public Works and Highways na bigyang-pansin ang mga kalsada at daan sa mga probinsiya para maiwasan ang mga ganitong senaryo. nAng larawan ni little girl ay isang patunay na, "A picture paints a thousand words."
At sa dami ng mga magagandang komento ng netizens, ang kay Marbel D. Deviente na siguro ang pinaka-standout at may positibong mensahe: "Difficult roads often lead to beautiful destinations. Just smile."

No comments