Batang Lalaki, Binawian ng Buhay Dahil Natetano Nang Magpatuli



Labis ang galit at hinagpis ang nararamdaman ng isang ama sa Lupon, Davao Oriental nang bawian ng buhay ang 11-anyos na anak niyang lalaki dahil sa tetanus ilang araw makalipas siyang magpatuli sa health center. Hulyo 8 ng tuiin ang batang si Lear John Ilisan. Makalipas ang dalawang araw ay may nararamdaman na umano ang bata ngunit inakalang normal lang ito.



Kinalaunan, nakaranas na si Lear ng lockjaw. Makaraan ang tatlong linggo matapos ang isiniagawang pagtuli, binawian na ng buhay ng bata, Hulyo 27.

"Sunday morning medyo ok pa siya. Tinawagan ko yung ang midwife sabi ko, 'Maam parang tetanus yata tong bata.' Mag-render pa rin tayo ng anti-tetanus. Pero naano niya yung tetanus lalong lumala," ani ni Armando, ama ni Lear.





"Tiningnan ko ang tuli ng bata. Sinabihan ko ang magulang kung saan ba ako nagkamali. Saan banda, sabi ng ina ng bata, 'Gumaling na pala.' Sabi ko naman na may dala akong tetanus toxiod proteksyon ito para sa inyong anak, nagpaalam na rin ako sa papa ninyo," pahayag naman ni Angelina Uyanguren, rural midwife.



Ayon naman sa dëåth certficate ng bata, espiratory failure ang sanhi ng pagkawala nito bunsod ng generalized tetanus. Iniimbestigahan naman ng Department of Health ang nangyaring insidente.

No comments