Dalagang Empleyado sa Isang Mall, Palaisipan Ang Pagkawala
Usap-usapan hanggang ngayon kung paano at anong ang dahilan ng pagkawala ng isang dalagang empleyado sa isang mall. Biyernes ng gabi, Agosto 5, 2022 ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay si Jovelyn Galleno, 22, isang B.S Criminology graduating student at empleyado sa Robinsons Place Puerto Princesa City, Palawan. Sa isang kuha ng CCTV ng mall noong Agosto 5, nakitang pumasok sa loob si Jovelyn. Ngunit ang kanyang paglabas ay wala raw maibigay na footage ang management ng naturang mall.
Ayon sa kapatid ng dalaga, 6:30 ng gabi ang labas ni Jovelyn sa Robinsons Mall at sumasakay ito ng multicab pauwi. Alas 7 hanggang 7:30 naman ng gabi nakakauwi na ng bahay si Jovelyn. Kaya labis ang pagtataka at pag-aalala ng mga magulang ng dalaga mag-aalas 10 na ng gabi ay hindi pa rin ito nakakauwi.
"Ang uwi lang dapat noon ni Ate, 6:30 PM. 6:38, nag-chat siya, nagtatanong ano ‘yung ulam. Pero pagkalipas ng isang oras, wala pa rin siya. Doon na po kami na-alarma! Nagpapunta na kami ng mga kasamahan namin sa simbahan doon sa pinagtatrabahuhan ni Ate para i-check kung nandoon pa siya. Sinubukan din namin siyang tawagan, nasasagot ‘yung tawag pero walang boses. Nagpunta kami doon sa pinagtatrabahuhan niya para hingin ‘yung CCTV footage.
"Sobrang nag-aalala po ako para sa anak ko! Wala po kaming tigil sa paghahanap. Lumapit po kami sa pulis para humingi ng tulong. Pero hanggang ngayon, wala kaming alam kung nasaan na siya! Kung mayroon man pong nakakita sa anak ko, sana po tulungan n’yo kami," ani naman ng ina ni Jovelyn na si Jelyn.

"Para man lang malaman namin kung nakalabas ba siya ng mall o ano sinakyan niya. Ilang araw na po kaming naghihintay pero wala pa rin. Physically po kasi, pagod ka. Mentally, pagod ka rin, ‘Anong dahilan? Ba’t hindi maibigay’? Eh buhay na po ng ate ko ang nakataya rito!" ani ni Jonalyn, nakababatang kapatid ni Jovelyn.

No comments