Dating Security Guard, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude sa Kursong Education



Ang dating security guard na si Edwin Salvador, 45-anyos, nagtapos sa kursong education bilang magna cum laude at isa ng ganap na guro. Malapit nang magsimulang magtrabaho si Salvador bilang guro sa isang pribadong paaralan sa Bulacan.

Nag-viral kamakailan sa TikTok ang kanyang kuwento matapos ibahagi ng kanyang anak ang kanyang graduation video sa Bulacan Agricultural State College noong Hunyo.



Ipinakita nito na pinipigilan ni Salvador ang mga luha matapos matanggap ang kanyang Bachelor's degree education.

Ani ni Mary Angelica Salvador sa kanyang caption, "Security Guard, tagalinis at tagagawa ng aircon, electric fan, etc noon. Ngayong graduate na ng BEED plus Magna Cum laude at the age of 45. Congrats Pa!"





Sinabi ni Salvador sa GMA News na kailangan niyang huminto sa pag-aaral para suportahan ang kanyang tatlong kapatid at kalaunan ay ang kanyang sariling pamilya. Sa huli ay nagpasya siyang bumalik sa paaralan upang tapusin ang kanyang pag-aaral at maging isang guro.

Isinalaysay ni Salvador ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho bilang security guard, aircon technician at tubero, bukod sa iba pang trabaho, para masuportahan ang kanyang pamilya.



"Magsikap lang po kayo, humingi kayo ng tulong sa Panginoon. Doon naman sa mga pamilya ng mga tao na gustong mag-aral, suportahan niyo po yung mahal niyo sa buhay kasi walang magtutulungan kung hindi kayo."

No comments