Delivery Rider na Nawawala sa Bulacan, Natagpuang Wala ng Buhay sa Quezon!
Natagpuang wala ng buhay ang isang delivery rider sa Tiaong, Quezon. Ilang araw nang nawawala sa San Jose Del Monte, Bulacan ang biktima. Ayon kay PLtCol. Marlon Cabataña, hepe ng Tiaong Police Station, walang nakitang anumang palatandaan kung paano winakåsan ang buhay ng biktima na natagpuan sa Barangay Lumingon nitong Martes.
Wala umanong sugåt o tama ng bala ng b@ril o kahit saks@k, at wala rin palatandaan na sinakål. Matapos i-post ng Tiaong Police sa kanilang Facebook ang larawan ng natagpuang bångkay, isang Melody Coralde ang tumawag at positibo niyang kinilala ang natagpuang bångkay na ang kaniyang kapatid na si Melvin Bedania, 36 anyos.
Ayon umano kay Coralde, delivery rider ang kaniyang kapatid na huling nakitang buhay sa San Jose Del Monte, Bulacan noong gabi ng Agosto 14. Pero wala naman natagpuang motorsiklo sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima.
Ayon kay LtCol. Cabataña, base sa kanilang beripikasyon sa Norzagaray Police Station ay nasa drug watch list umano ang biktima. Kinumpirma rin umano ito ng kapatid ng biktima sa mga imbestigador. Sa ngayon wala pang matukoy na suspek sa krim3n. Sinusundo na ng Tiaong Police ang pamilya ng biktima sa Bulacan.

No comments