Ejay Falcon and Jana Roxas Are Now Engaged!



Inalok na ng kasal ni Oriental Mindoro Vice Gov. Ejay Falcon ang long-time girlfriend na si Jana Roxas sa selebrasyon ng birthday ng dating aktres kamakailan.

"Bago naging kami, magkaibigan kami ni Jana," kwento ni Ejay bago mag-propose sa kasintahan ng anim na taon. Kuwento niya, itinago nila nang matagal sa kani-kanilang mga pamilya at kaibigan ang kanilang relasyon.



Inilarawan din ni Ejay si Jana bilang "napakabait na tao," "totoong magmahal" at isang supportive girlfriend.

Habang pinatutugtog ang kanilang theme song, binunot ng vice governor ang isang singsing, lumuhod at inalok ng kasal si Jana na noon ay emosyonal na.

"Baby, gusto kitang makasama habambuhay. Will you marry me?" tanong ni Ejay.

Hindi na sumagot ang aktres, umiyak na lang ito sa dibdib ng boyfriend.



Si Ejay Lasap Falcon ay isang Pilipinong artista, modelo, endorser at politician na vice governor ng Oriental Mindoro. Bilang isang artista, sumikat siya noong 2008 matapos manalo sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.

No comments