Herlene Budol, Nagsalita na Sinabi Noon Miss Manila sa Kanya



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay na ng pahayag si Herlene Nicole Budol aka Hipn Girl tungkol sa mga sinabi noon sa kanya ni Miss Manila na si Alexandra Abdon. Dahil maraming fans at supporters ni Herlene ang inalala at binalikan ang mga salitang binitiwan noon ni Miss Manila kay Herlene noong ito ay nasa programa pa ni Willie Revillame.





Matatandaang sinabi ni Miss Manila noon na hindi umano qualified si Herlene sa beauty pageant kahit pa ang ina ni Herlene ang magpa-pageant. Nilinaw ni Herlene na wala siyang sama ng loob kay Miss Manila at sa katunayan, ay naging maayos na sila noon pa.

"Wala naman na po akong sama ng loob sa kanya kasi dati nagkaayos na po kami. Two years ago na po yung issue na 'yun pero binabalik-balikan pa po nila," ani ni Herlene.





"Sinabi niya po na scripted pero sa part ko po hindi po ako nasabihan na scripted. So baka sana trinopa niya ako, sana mas naging magandang tandem pa kami," dagdag pa nito.

Inamin din ni Herlene na nasaktan siya sa sinabi noon ni Herlene, "Siguro Diyos na rin ang nagplano sa buhay ko, kaya dinala ako dito. Nung time na po na iyon wala naman po akong balak e. Siguro para ma-realize po ng ibang tao na kung sino po ang ibinababa, yun po ang itinataas ng Panginoon."

No comments