Isang Resort sa Bohol, Overpriced Umano Ang Panindang Seafoods



Presyo ng pagkain ng mga turista sa isang resort sa Bohol, nagviral dahil sa umano'y sobrang taas daw ng presyo. Ayon sa Facebook post ni Vilma Uy, umabot daw sa P26,000 ang seafood na kinain ng kaibigan niya. Dagdag pa niya, nagulat na lamang daw ang kanyang kaibigan nang malaman ang laki ng bill nila matapos magpaluto ng pananghalian sa isang resort.




Nag reklamo rin daw ang grupo ngunit hindi ito umubra kaya't binayaran pa rin nila ang kabuuhang bill. Kasama umano sa kanilang menu ang mga isdang kilawin, saging na aabot ng P900, oyster, squid, sugba at iba pa.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Hindi maganda yung ganyang ugali. Kakalat sa ibang bansa na mapag samantala tayong mga Pinoy. Baguhin dapat yung ganyang ugali. Magkaroon sana yung gumawa nyan ng hiya."




"Literal na pagsasamantala yan sa mga turista o mga bisita jan, huwag naman sana ganon, naturingannpa naman tayong mga pilipino na very hospitable and loving people"

"Grabe nmn yang pagkain jn. Ginto ba ang laman ng isda jan? Dapat sa vendor nyan matanggalan ng permit to operate. Masyadong magulang, mapagsamantala at mukang pera. Kya nakakawalang gana na dumayo sa ibang lugar dahil sa mga gaya ng vendor na to. Mandaraya sobra."

1 comment:

  1. Kaya hinde na kailangan balikan ang mga yan...

    ReplyDelete