Junkshop Boy Noon, Graduate na Ngayon!



Masayang ibinagi ni Jayvee Calayag sa publiko ang tagumpay na nangyari sa kanyang buhay. Sa kabila ng kahirapan ay pinatunayan niyang hindi ito hadlang para maabot ang kanyang pangarap, ang makatapos sa kolehiyo at maging engineer. Dahil sa kahirapan ay tumutulng noon si Jayvee sa kanyang mga magulang sa pangangalakal sa kanyang murang edad.


16 taon umanong nagsakrispisyo ang kanyang mga magulang para lamang masustentuhan siya sa pag-aaral. Dahil dito, nangako siya sa kanyang mga magulang na babawi siya at ipinagbuti niya ang kanyang pag-aaral. Ngayon ay nakatapos na siya sa pag-aaral at tutuparin na niya ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang.

Bachelor of Science in Electronics Engineering ang kursong natapos ni Jayvee at isa siya sa mga Dean's Lister.

"Lumaki sa hirap, kung kaya’t namulat na mangarap, nablessed ni God kasi binigyan Nya ako ng second chance na mabuhay, kasi 6- months old baby pa lang ako, tinanggalan na ako ng left kidney stone.Maswerte sabi ng mga Doc, pero for me, I have a mission pa;syempre sa family ko.


"Elementary pa lang ako sumasama na ako sa tatay at nanay ko na mamili at mamulot ng kalakal sa bara-barangay. Kailangang tumulong para makaraos sa pang-araw araw. Namulat agad na mahirap pala kumita ng pera. Natutunan ko sa magulang ko na magbanat ng buto. In God's grace, di naman kami pinababayaan.Nay, Tay Pasensya na po kayo kung di na ako nakakatulong nung nagCollege na ako kasi I want to focus po sa study ko.Alam ko po yung hirap na ginagawa ninyo magkaroon lang ako ng baon sa araw araw. Hirap na hirap po kayo sa pamumulot ng maduduming kalakal. Pero itinaguyod ninyo po ako sa aking pag-aaral sa loob ng 16 years. Alam kong di po yun matutumbasan ng anumang halaga.Pero wag po kayong mag-alala, ako naman po ang babawi sa inyo makapagtrabaho lang ako, ganun din po kila Kuya.


"Thank you sa mga kamag-anak ko na nandyan palagi na nagtitiwala at tuparin ang pangrap ko na makatapos: Justina Avendano Bontuyan Jessica Jumaquio Francis Domingo Dennis Acorita

"Sa bestfriends kong sina Carl Michael Bacuetes Adriano at Rose Anne Espinola sa pagtulong sakin.Thank you!

Bestie Christian Lay Samson, binago mo lifestyle ko, thank you sa help to improve myself.

To PSPC, NMA Philippines, Mr.Henry Lim and Mayor Christian Dionisio Natividad Scholarship Program, Maraming salamat po sa financial assistance.Thank you BulSU Scholarships head and staffs, Ma’am Reina Marie Clemente Santiago!


Sa mga naging prof ko Sa BulSU COE:

Thank you po sa lahat lahat!Lalo na kay Sir Dennis Robles Dela Cruz.Thank you po Engineers: Benjamin Santa Maria Jr. Oliver Mariano Hilario Calinao Allan Nicolas Emmylyn Roque Sevilla Tuazon Rina Santiago Ian Javier Jenette Centeno Rav De Jesus Dion Mendoza

"Isa lang masasabi ko, huwag lokohin ang iyong magulang instead sundin sila."

"Hindi hadlang ang kahirapan."

No comments