'Maid in Malacañang' Movie Earns P41-M Total Gross in 2 Days!



Labis ang pasasalamat ni Direk Darryl Yap sa mga sumuporta, nagtangkilik at naniwala sa kanya. Pinipilihan ang kanyang pelikulang 'Maid in Malacañang' at kumita na ito ng P41-M total gross sa loob lamang ng dalawang araw. Sa unang araw na inilabas ang pelikula ay kumita na ito ng P21-M at ngayong ikalawang araw, August 5, ay kumita na ng P20-M ang pelikula.




Narito ang post ni Direk Yap:

"Walang Hanggang Pasasalamat Lord! hindi lang sa biyaya at mga pagkakataon kundi sa mga balakid na iyong pinapahintulutan para ako ay mas tumatag at mahasa. Maraming Salamat sa tapang na iyong ipinagkaloob hindi lang sa mga artista kundi maging sa pamunuan ng VIVA Films.





Sa Pamilya ng Marcos, sa Pamilya ng Del Rosario, sa aking Pamilya—at sa libu-libong pamilyang nanood sa unang araw sa takilya ng MAID IN MALACAÑANG, higit sa pasasalamat dahil sa suporta ay ang pasasalamat dahil sa pananalig; pananalig.



sa aking munting kakayahan, sa aming munting proyekto, sa ating munting bayan., Salamat sa Tawag Boss Vic, sa 15 minutes nating pag-uusap… 2 Numero at 1 Letra lang ang naintindihan ko— lahat po wala na kong pake. HAHAHAH!"

Ang 'Maid in Malacañang' ay isang family crisis drama film na nagpapakita ng huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Palasyo ng Malacañang bago tumakas patungong Hawaii noong 1986 People Power Revolution.

No comments