Pambansang Kolokoy, Inaming Hiwalay na Sila ni Marites Makalipas ang 20-Taon na Pagsasama



Marami ang nagtatanong sa vlogger na si Pambansang Kolokoy kung bakit hindi na niya nakakasama sa kanyang mga vlogs ang kanyang partner na si Marites. Sinagot niya ang mga katanungan ng mga netizens sa pamamagitan ng isang vlog na ipinost niya sa kanyang Youtube Channel. Ayon kay Pambansang Kolokoy o Joel, kaya hindi na sila magkasama sa vlogs ay hiwalay na sila ni Marites matapos ang 20 taon nilang pagsasama.



“Sa lahat po ng mga nagke-question [ng] nasaan na si Marites? How come wala na si Marites sa mga videos mo? Hiwalay na ba kayo ni Marites?" ani ni Joel.

"Ok, para po magkaroon na kayo ng peace of mind, and hopefully matapos na yong mga iniisip isip niyo, what’s going on in your mind, in your brain… Yes, mga kaibigan, Marites and I, we are no longer together,” pag-amin niya.

Aniya, ayaw muna sana niyang magsalita dahil may proseso pa silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa kanyang mga videos.


Inamin din niya na mayroon na siyang bagong karelasyon at masaya umano silang magkasama.

“Wala na po kami ni Marites. And, ayaw ko pa sana magsalita kasi meron pa kaming process na ginagawa ngayon. Am I with someone else? Yes, I’m with someone else now and we’re happy,” sabi ni Joel.

Dagdag pa ni Joel, ayaw daw niyang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Marites lalo at may mga masayang pinagsamahan naman sila at ina ito ng kanyang mga anak.

“Hindi ko rin naman sisiraan si Marites dahil for 20 years, we had good times din naman. Plus, nanay siya ng mga anak ko and nag-uusap pa rin kami every once in a while about the kids.”




Aniya, sa kabila ng kasiyahan na nakikita ng mga netizens sa kanilang vlogs, hindi ibig sabihin ay perpekto at walang problema ang kanilang relasyon.

May mga pangyayari sa likod ng kamera na lingid sa kaalaman ng publiko na sa tingin niya ay karapatan naman nilang panatilihing pribado.

Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

“They are ok. They are very ok. Lahat po ng gusto nila, lahat po ng hilingin nila ibibigay ko kahit hindi ko kaya ay kinakaya ko dahil mga anak ko yon, mga best friends. Hindi po ako pabayang ama.”

No comments