Sanggol, Iniwan sa Ilalim ng Puno; Inuuod, Nilalanggam at Nilalangaw Nang Matagpuan



Isang sanggol ang natagpuang nilalanggam, inuuod at nilalangaw sa ilalim ng isang puno sa Eastern Samar. Natagpuan ang sanggol matapos itong abandunahin ng kanyang magulang na hanggang ngayon ay hinahanap pa ng mga awtoridad. Isang babaeng pulis ang kasama sa mga rumesponde sa sanggol at habang isinusugod nila ito sa patungong ospital ay pinadedë ito ng Policewoman.




Nananatili ngayon sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban ang sanggol kung saan siya dinala.
Isang batang nagpapastol ng hayop ang nakakita sa sanggol na nasa damuhan sa ilalim ng puno nitong Agosto 5 sa Barangay Palanas sa munisipalidad ng Salcedo. Ayon naman kay Police Corporal Cyril Joyce Bardinas ng Salcedo Municipal Police Station, umiyak ang sanggol kaya nakita siya nang taong napadaan sa lugar.





Ang sanggol ay nakabalot umano ng tarpaulin. "May uod na ang bata, inuod na. Saka madaming langaw, saka langgam," ani ni Bardinas. "Under observation pa siya. Tapos madami pang inaano...kasi may mga uod pa at saka may pneumonia na siya," anang opisyal.

Hinihintay pa ang ilang medical test para alamin kung may iba pang sakit ang sanggol.

4 comments:

  1. Napaka walang puso NG ina nayan....kunsinsya mo hindi ka sana patulogin NG kunsinsya mo walang kamuwang muwang na bata...ginawa mong tuta

    ReplyDelete
  2. Kalooy sa baby.sana pagalingin ni Lord🙏

    ReplyDelete
  3. Napaka walang puso nman ng mga taong gumawa Nyan sana d kau patulugin ng konsensya nyo.

    ReplyDelete
  4. Walang hiya na magulang...lalo na yong ina...

    ReplyDelete