Tatlong Lalaki, Arestado Matapos Magnakaw ng Chichirya; Walang Pang-ambag sa Inuman



Arestado ang tatlong lalaki matapos magnakaw sa isang convenience store sa Quezon City nitong madaling araw ng Lunes, Agosto 15. Ayon sa isang suspek, wala umano silang pang-ambag sa inuman kaya napagpasyahan nilang magnakaw ng chichirya. Napansin naman ng tindera ang pagkuha ng mga suspek ng chichirya na agad niyang ipinagbigay-alam sa barangay.




Sa pamamagitan ng CCTV ay agad naman nasundan at nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek. narito ang pag-amin ng isang suspek, ""Alam mo 'yong pakiramdam na wala kang ambag sa inuman na nakakahiya sa mga kasama mong umiinom na may ambag. Alam ko mali pa rin 'yon, pasensya na lang masasabi ko."





Giit naman ng isa, wala umano siya kinalaman sa ginawa ng kanyang kasamahan. Nai-turn over pa sa pulisya ang mga suspek para sana kasuhan ng shoplifting pero dahil P30 lang ang halaga ng kinuha ng suspek, ibinaba na ito sa barangay level at pinatawad na sila ng may-ari ng tindahan.

Paglabag sa ordinansang hindi pagsusuot ng face mask na lang ang haharapin ng 3, na may multang P300 kada isa.

No comments