Tatlong Magkakapatid sa Cebu, Magkakasabay na Nagpakasal



Tatlong magkakapatid sa Cebu ang magkakasabay na ikinasal nitong Hulyo 26. Ang magkakapatid ay sina RJ, James Anthony, at Princess sa kani-kanilang mga kabiyak na sina Jenny, Faye Dominique, at Ken Omoso sa St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo, Cebu City. Ibinahagi ng magkapatid na sabay silang kinasal alinsunod sa hiling ng ina nilang si Marilyn.



Nauna nang nagpakasal noon sina RJ at James Anthony sa pamamagitan ng civil wedding ngunit nais pa rin nilang ikasal sa simbahan kaya isinabay nila ito sa kasal ng kanilang kapatid na si Princess. Nasa 200 ang mga kaanak, kapamilya at mga kaibigan ang dumalo sa kanilang kasal.

Hindi na lang din nila pinansin ang sinasabi sa kanila ng karamihan na "sukob" at hindi dapat magsabay ang magkakapatid na ikasal sa iisang araw base sa pamahiin ng iba.





Para sa magkakapatid, may basbas naman ng Simbahang Katoliko ang kanilang pag-iisang dibdib at suportado naman ito ng kanilang mga kaanak.

"Tao lang naman din ang nagkukuwento tungkol sa ganyang sukob. Hindi ako naniniwala diyan. Mas naniniwala ako sa Diyos," ani ni Marilyn.



"Natuwa pa nga ang pari sa ideya namin dahil hindi kami nagpadala sa mga sabi-sabi tungkol sa sukob," sabi naman ni Jenny.

Payo ng magkakapatid para sa mga nais ding magpakasal na magkasabay lalo na at magkapamilya, huwag maniwala sa sasabihin ng iba bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Diyos.

No comments