50-Anyos na Ama, Nakapag-Tapos ng Junior High School


Nakapagtapos ng Junior Highschool ang isang 50 anyos na tatay, sa tulong ng Alternative Learning System (ALS), isang programaa ng Department of Education (DepEd), noong September 12, 2022 sa Cawayan, Dalaguete, Cebu City.

Siya si Tatay Florentino Idias, 50 taong gulang, na taga Brgy. Manlapay, Dalaguete, Cebu. Mayroon siyang 9 na anak, na sina Flordeliza 29 years old, Jerome 27 years old, Armando 24 years old, Albert 23 years old, Guillerma 20 years old, Genevieve 18 years old, Florenda 14 years old, Amelia 12 years old, at janice 9 years old.


Si Tatay Florentino ay isang driver, habang ang kanyang misis ay housewife. Nais patunayan ni Tatay Florentino sa kanyang mga anak na sa kabila ng kanyang edad at kahirapan sa buhay, ay kaya niyang makapag aral at makapagtapos ng pag aaral.

Naikwento ni tatay ang kanyang paghihirap sa pag aaral, Noon ay 15 years old lang siya nung huling nakapag aral at nakaabot ng 2nd year highschool, sa nais niyang magka diploma at makapagtapos ay nag pursigi siyang makapag aral muli kahit siya ay matanda na. Sinabi ni tatay na nahirapan siyang pag sabayin ang kanyang pag aaral at pagtatrabaho, dahil kailangan din siya ng kanyang mga anak sa pagsuporta nito sa kanilang mga pag aaral at mga kailangan sa araw araw. Minsan raw ay nahihirapan siyang mabili ang mga kailangan niya sa school, dahil inuuna niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.


Lubos lubos ang pasasalamat ni Tatay Florentino dahil nagbunga na ang kanyang paghihirap.

Mayroon ding mensahe si Tatay para sa mga kabataan ngayon. Huwag silang mag aksaya ng edad at panahon, habang bata pa ay mag aral ng mabuti dahil malaki ang mga oportunidad na nag aantay sa kanila kapag sila ay nakapagtapos ng pag aaral, makakatulong din sila sa kanilang mga magulang balang araw . Lubos ang saya ng mga magulang kapag napagtapos nila ang kanilang mga anak.

" Lantawa ko bisag tigulang na ko naka human ghapon ko ug junior high school" -Tatay Florentino.

Matatandaan na nagtrending din noon si Tatay dahil sa kanyang kasuotan noong nag graduate ang kanyang anak sa Senior Highschool nito lang Hunyo, taong 2022. Sobrang proud ang kanyang anak sa kanya at proud din si Tatay sa kanyang anak.

No comments