Bagong Kasal Na Miyembro ng Coast Guard Binaril, Sa Harap Mismo Ng Kanyang Misis !



Isang opisyal ng PCG (Phillippine Coast Guard) pat@y, matapos pagbabarilin sa Cavite sa harap mismo ng kanyang misis, ang biktima kaka kasal lamang isang linggo bago ito namat@y. Mayrong nakapagsabi na nayayabangan raw ang suspek sa mga taga Coast Guard.

Kinilala ang biktima na si Rando Val Siega, 31 anyos, at isang Philippine Coast Guard Lt Jr Grade.


Nasa terrace raw noon ang biktima, sa bahay ng kanyang biyenan na si Fernando Panganiban Sr., ganap na 11:30 ng umaga noong September 26, 2022, habang naghahanda ito sa pagluluto ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng suspek na si Razon Creus, alyas Jerry, 55 anyos, at isang Bantay Bayan sa Barangay.

Nakita raw ng kaniyang misis ang aktuwal na pag baril sa kaniyang asawa.

Tumama ang mga bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Siega. Ayon pa sa ulat ay kamag anak daw ito ng kanyang asawa na si Kristelle Joyce Siega.

Agad na dinala ang biktima sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, ngunit dineklara na itong de@d on arrival.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jerry sa ikinasang hot pursuit operation ng Indang Municipal Police Station (MPS) habang patakas ito sa lugar.

“The quick response of the tracker operatives we’re able to capture the suspect who was prepa­ring for his escape,” ayon kay PCOL Christopher F Olazo.


Narecover mula sa suspek ang murder weapon na isang bar!l na kalibre 38, mga bala at Armscor m200 revolver.

Samantala, iniutos ni PCol. Olazo sa Indang MPS na bumuo ng special investigation team upang tumutok sa imbestigasyon sa nabanggit na insidente.

No comments