Basahin | Mga Estudyante Ibinahagi Ang Kanilang ''PINAKA MALUNGKOT NA NANGYARI SA BUHAY''


Ibinahagi ng grade 11 teacher sa na si Teacher Mecca Derla ang mga nakakabagbag damdamin na mga sulat ng kanyang mga estudyante nang magpagawa siya ng activity sa mga ito.

Kwento niya ay pinagawa niya sa kanyang mga estudyante ang aktibidad sa Komunikasyon sa Filipino, na isulat ang "pinakamalungkot na nangyari" sa kanilang buhay.


“Kaya ko sya pinost kasi nainspired ako sa kanila. Kasi kahit watak watak yung family nila nagagawa parin nilang ngumiti at humarap sa klase. Pinost ko yun dahil ako mismo unang nakarelate. Para kaming iisa,” paglalahad ni Teacher Mecca.
\

Matapos ang aktibidad nila ng kanyang mga estudyante ay , pinayuhan nya ang mga ito na wag mawalan ng pagasa, bagkus ay gawin nila itong inspirasyon para maabot nila ang kanilang mga pangarap.


"Skl. Pinasulat ko sila kung ano yung pinakamalungkot na nangyari sa buhay nila, And then ito halos yung mga sagot nila. Narealized ko lang minsan akala natin walang epekto sa kanila pero meron pala. Nakakatakot lang. Sana sa mga taong gustong magkaroon ng sariling pamilya, sana wag nyong hayaang magkaganito. Alam nila, tanggap nila subalit iba parin talaga kapag may tinatawag kang “complete family” " Mismong post ni Teacher Mecca Derla sa kanyang Facebook Account.


Karamihan sa mga sulat na ito ay ang paghihiwalay ng kanilang pamilya o kanilang pagkawatak watak. Maraming mga netizen ang nakarelate sa kanilang sitwasyon.


 Hindi napapansin ng karamihan ang mga nagiging epekto ng hiwalay na pamilya sa kanilang mga anak, akala natin na maayos sila. ngunit sa loob loob nila ay sobra rin silang nasasaktan. Sana ay wala ng bata ang makaranas ng sirang pamilya.


No comments