Cristy Fermin, Sinabihan si Herlene Budol na "Walang Utang na Loob" at 'Lumaki Na Ang Ulo"
Cristy Fermin sinabihang "Walang Utang na Loob" at 'Lumaki Na Ang Ulo" ni Herlene Budol Napag usapan nila Cristy Fermin, Morly Alinio at Rommel Chika sa kanyang Youtube Channel na "Showbiz Now Na" , ang patungkol sa mga kumakalat na isyu kay Bb. Pilipinas 1st Runner Up at komedyanteng si Herlene Budol.
Tungkol diumano ito sa pagpirma ni Herlene Budol sa GMA Network gayong kinukuha rin pala siya ni Willie Revillame sa bagong network nito na AMBS Network. Si Willie ang unang nakadiskubre kay Herlene noong panahon pa ng "Wowowin", dito rin siya binansagan at sumikat bilang si "Hipon Girl". Lumalabas raw na "Walang Utang na Loob" si Herlene dahil hindi ito tumanaw ng utang na loob sa taong tumulong sa kanya noon.
Nakipag-meeting na raw si Hipon kay Willie Revillame para sa pagsali nito sa AMBS Network o ALLTV, ngunit kinabukasan raw ay nakita na lamang sa social media na pumirma na raw ito sa GMA Network.
Sana raw nagsabi at nagpaalam nalang ito ng maayos kay Willie Revillame patungkol sa mga offer ng GMA network sa kanya ,lalo na at maiintindihan naman daw agad ito, hindi yung mababalitaan nalang na nakapirma na agad ito ng kontrata sa iba.
“Hindi niya siguro alam dito sa Philippine showbiz na ‘pag ikaw ay natatakan na ng kawalan ng utang na loob. Bababa at bababa ang imahe mo,” Cristy Fermin
“Saka hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito.” dagdag pa niya
Hirap na rin daw ang pakikipagkomunikasyon sa dalaga hindi tulad noong nagsisimula palang ito.
Sinabi rin ni Morly na wala raw artistang sumisikat ang kinabitan ng pangalang "ingrata" o "walang utang na loob". Dagdag pa ng mga ito, hindi pa rin daw masasabing sikat na si Hipon nataon lamang daw na siya ang pinag uusapan ng madla ngayon.
“Tsaka alam mo madaling lumaki ang ulo ng batang ito. Sa pananalita pa lamang, sa tabas ng dila, alam mong isang araw, magkakaproblema rin ang manager niya sa kanya".
“May kakaiba, mayroon akong tulis na nakikita sa kanyang pagsasalita. Hindi laging nakakaaliw ang nagkokomedya na artista kung minsan we read between the lines. Kasi yung pagbasa natin sa pagitan ng kanilang mga salita, doon natin makikita kung anong klaseng tao ito.” saad ni Cristy Fermin
Hindi rin nakaligtas kay Manay Cristy ang Talent Manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino, ang dating daw kasi nito sa kanya ay parang "malakas na hangin" base sa kanyang mga napapanood dito.
No comments