DSWD naging Handa sa Pagtama ng Bagyong Karding, Family Food Packs Ipinamamahagi na !
Nakapaghanda ang DSWD o Department of Social Welfare and Development ng Region 3 at Region 4A sa pagtama ng Super Typhoon Karding kahapon sa Luzon.
Ibinahagi rin ni Sir Erwin Tulfo, ang kasalukuyang Secretary ng DSWD, ang mga litrato ng mga pila-pila at nakahandang relief goods o Food Packs sa kanilang warehouse.
"SALAMAT DSWD REGION 3 AT 4A SA PAGHAHANDA SA PAGTAMA NI SUPER TYPHOON KARDING SA KALUPAAN NGAYON ARAW.
INGAT ANG LAHAT…. please pray." - Sec. Erwin Tulfo.
"Matapos ang unang gabi ng pananalasa ng Bagyong Karding sa Probinsya ng Aurora, pasado alas syete ng umaga ay agarang sinimulan ni DSWD Region III Regional Director Jonathan V. Dirain at Assistant Regional Director for Operations Venus F. Rebuldela ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa mga biktima at evacuees sa probinsya ng Aurora.
Tinatayang nasa 363 FFPs ang paunang tulong na naipamahagi ng DSWD Region III para sa mga biktima ng bagyong Karding.
Sinigurado naman ng ahensya ang sapat na bilang ng relief goods at non-food items upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima gaya ng pagkain at malinis na inumin.
Ngiti at mukha ng pag asa ang isinukli ng mga biktima sa mga kinatawan ng DSWD matapos makatanggap ng tulong mula sa ahensya.
(DSWD III - Central Luzon)
Nag conduct naman ang DSWD 4A ng assestment sa kanilang lugar na napinsala ng bagyo, upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga residente doon.
Batay sa kanilang ulat na mula sa mga local government units, hindi bababa sa 7,600 pamilya ang nawalan ng tirahan ng Bagyong Karding sa 48 munisipalidad sa buong rehiyon, kabilang ang limang munisipalidad sa Polillo Group of Islands.
Sinisigurado naman ng ahensya ang agarang aksyon para sa mga mamayan.
Typhoon Update: Nakatawid na sa landmass ng Luzon ang Bagyong Karding ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), nakataas pa rin ang wind signals number 3,2,1 sa maraming bahagi ng Luzon.

No comments