"First Love Never Dies" Dating mag First Love natuloy sa Kasalan



Sabi nga nila "First Love Never Dies", parang pang teleserye ang kwento ng bagong kasal na sina Guillerma at Benedicto. Nagkahiwalay noon, nagkatuluyan na ngayon.Ito ay inilahad ni Ronald Casil sa kanyang Facebook Page.

First Love raw nila ang isa't isa noong sila ay highschool pa, ngunit ng tumuntong na ng kolehiyo si Nanay Guillerma ay nagkalabuan daw raw sila Tatay Benedicto, dahil sa kawalan ng komunikasyon, hanggang sa tuluyan na nga silang nagkahiwalay.



Dumaan ang ilang mga taon, ay nagkaroon na sila ng kanya kanyang pamilya, ngunit sa kasamaang palad ay pareho silang naiwan ng kanilang katuwang, sila ay naging byudo at byuda na.

Habang isang araw, naghahanap raw ng mabibiling lupa si Tatay Benedicto sa Guindulman, Bohol, nagkataon naman na ibinibenta ni Nanay Guillerma ang kanyang bahay, ipinost niya ito at sinabing tumawag na lamang sa kanyang numero kung mayroon interesado.



Ibinigay kay Tatay Benedicto ang numero ng kanyang kakilala at agad niya itong tinawagan, hindi niya alam na ang kausap pala niya ay matagal na niyang kilala. Ito pala ay si Nanay Guillerma na dati niyang kasintahan.

Muling nagkausap ang dalawa at nalaman na pareho na pala silang wala ng asawa, parang bumalik sila sa kanilang nakaraan, patuloy na silang nagkikita sa Maynila at hanggang sa napag desisyunan na nga nilang magpakasal na.

No comments