Gawa ng Miniature Artist na Pinoy, Kinabiliban!



Isang miniature artist na maipagmamalaki nating mga Pinoy dahil sa mga gawa nitong miniature na mga bahay na mistulang totoo dahil ito ang tipikal na bahay ng mga sipleng Pinoy.

Si Nhoda Muñoz ay isang miniature artist na lumilikha ng mga miniature na bahay simula noong 2020 at naging viral dahil sa kahanga-hanga nitong mga obra.



Ayon kay Nhoda, binase niya sa kanyang ginagawang sining sa kanyang mga karanasan sa buhay at ang naging pamumuhay niya sa tabi ng riles ng tren sa Mabalacat City, Pampanga.

Ang ginagamit ni Nhoda sa paggawa ng miniature na bahay ay mga recycled materials na makikita sa kanilang bahay.

Binibigyang buhay ng Artist na si Nhoda ang mga gawa niyang miniature dahil ito ang mga tipikal na bahay ng mga payak na tao sa Pilipinas.



Narito ang kabuuang post,

TINGNAN: Miniature artist na si Nhoda Muñoz tunay na maipagmamalaki nating mga kapwa Pinoy.
Si Muñoz ay lumilikha ng miniature art simula pa taong 2020. Ayon pa sa artist, ang kanyang sining ay base sa kanyang karanasan at pamumuhay sa tabi ng riles ng tren sa Mabalacat City, Pampanga. Gumagamit ang artist ng mga recycled materials sa kanyang obra. Binigyang buhay ng miniature ni Muñoz ang bersyon ng mga tipikal na Pilipino urban homes.

No comments