Grade 1 Teacher nagbigay ng uniform sa 2 niyang studyante !

Ibinahagi ng Primary Teacher ang kalagayan ng kaniyang dalawang estudyante, dahil pumapasok ang mga ito sa paaralan araw araw ng hindi naka uniform, dahil hindi makabili ang mga magulang nito dala ng kahirapan sa buhay. At dahil sa kaniyang kabutihan ay napasaya niya ang dalawang bata at ang kanyang buong klase.
Siya si Teacher Lyka Nañez, guro sa Elementarya ing Nakal, Lucban, Quezon. Pinost niya sa kanyang Tiktok account, ang dalawa niyang estudyante na laging pumapasok ng hindi naka uniform, alam naman niya na hindi ito required at ang dahilan kung bakit wala sila nito. Ngunit nais niya na maramdaman ng kanyang mga mag aaral na hindi sila iba at kabilang sila sa kanyang klase, kaya binigyan niya ang mga ito ng mga bagong uniporme.
"Story time: I have 2 students na hindi nag uuniform bukod sa hindi naman required na magsuot ng uniform pero alam ko ang dahilan kung bakit hindi sila makapag suot nito. Kaya i decided nat bigyan silang 2 para mas mafeel nila yung pagiging students nila" ayon sa kanyang video post sa tiktok.
"May napangiti na naman tayo ngayon :))" caption nito.
Bakas sa mukha ng mga bata ang saya dahil may bago na silang uniporme at pare parehas na sila ng kanilang mga kaklase.
Umabot na sa 2.1M Views ang videong ito. Marami ang gustong mag pa abot ng tulong sa 2 bata, mayroong mga netizen ang gustong magbigay ng sapatos at mga school supplies.
Nito lang nakaraang araw ay nag viral din si Teacher Lyka dahil naman sa mga cute na eksena ng kanyang mga estudyante na nagpapabukas ng kanilang baon habang sila ay nag rerecess.
Umabot na rin ng 4.2M Views ang tiktok video na ito na in-upload noong August 25, 2022.
Makikita at mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ng mga guro sa kanilang trabaho at sa kanilang mga mag aaral. Saludo at proud sa inyo ang buong sambayanan. Salamat Teachers
No comments