Grade 3 Student na Nag-uulam ng Toyo, Inulan ng Biyaya!
Toyo at Kanin na Nakabalot sa Dahon ng Saging ang Baon ng Grade 3 Student na ito. Maraming mga netizen ang napaluha at naantig ang puso sa in-upload na video ng guro na si Kenzy Guroy. Makikita na mayroon siyang kinakausap na estudyante habang ito ay kumakain. Napansin niya na mag isa lang ito at tinatakpan nito ang kanyang kinakain ng makita siya. Nahihiya pala ito dahil sa kanyang dalang baon.
"Pauwi na Sana ako at nakita ko ang isa naming estudyante na dahon ng saging ang pinangbalot ng kanyang kanin at isang sachet ng silver swan soy sauce ang pinang-ulam" ayon sa post ni Teacher Kenzy.
Ang estudyante sa viral video ay si Laica, na isang Grade 3 Student sa Abang Elementary School, Salumping Esperanza, Sultan Kudarat. Bilib na bilib si Teacher Kenzy sa batang ito dahil sa kabila ng kahirapan ay pinipilit pa rin nitong pumasok sa eskwelahan. Binansagan din niya itong "The Little Dreamer".
"Ang ibang bata, maraming reklamo sa magulang kasi walang baong pera. Huwag ikahiya kahit nakabalot sa dahon ng saging ang kanin at toyo ang ulam. Ang mahalaga, nakapag-aral." ayon pa sa kanya.
Nais rin niya na mabilhan ng baunan ang bata dahil alam niya ang pakiramdam nito, dahil naranasan din niya ito noon, bago pa man siya maging isang professional na guro.
Bumuhos ang mga biyaya para sa batang si Lyca, dahil marami ang kumontak sa kanila at gustong tumulong para sa mga kagamitan sa pag aaral ng bata at pandagdag kabuhayan para sa kanilang pamilya.

"Unexpected blessing talaga kay baby girl. Gusto ng mga netizens na bilhan siya ng mga school supplies, baunan, mga damit, tsinelas, sapatos at iba pa. Thank you so much sa tulong po ninyo," Teacher Kenzy
No comments