Julia Barretto Hindi Pa Kayang Patawarin Ang Ama, Dennis Padilla Hindi Rin Ready Mapatawad Ang Anak !


Naglabas ng saloobin ang ama ni Julia Barretto at ng kanyang mga kapatid, isa ring kilalang aktor, na si Dennis Padilla, matapos mapanood nito ang interview ng dalaga sa Youtube Channel ni Karen Davila. Tinanong ni Karen kung kamusta ba sila ng kanyang ama at kung napatawad na ba niya ito.


“Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready. There's just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing,” “It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there's just a lot of fear because I don’t know what’s going to happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?” saad ni Julia sa interview.

Hindi napigilan ni Dennis Padilla na ipost sa Instagram na ngaun ay deleted na, ang kanyang mga hinanakit at saloobin laban sa mga sinabi ng kanyang anak.

''Pareho kami... Di pa rin ako ready patawarin si julia ..''

"Ask me also kung napatawad ko na silang lahat,"


"Nung pinatanggal nyo apelyido ko...Humingi ba kayo ng apology?"

"Julia...Ang alam mo kalahati ng katotohanan ano ba???"


“Ako ang dapat takbuhan mo Julia.... I defended you pero nagalit pa kayo sa akin... Sobra kayo... Ano etong mga kwento mo kay Karen??” sabi ni Dennis

"14 times kami lumipat ng bahay... Tama Julia. Sino ba nagbabayad ng pang-upa? Ako yun!!!!"

““Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kayo, kanino ba naubos lahat? Sa inyo, kasi gusto ko maginhawa ang buhay niyo...Ang buong bahay ko... Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na... Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?... .. Pati kay Gerald humingi ako ng apology... Ano pa?”
 dagdag pa nito.



Nagpa abot din ng mensahe ang ina ni Julia Barretto na si Marjorie Barretto, na susuportahan at poprotektahan niya ang kanyang anak.

“Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you,”.

“Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Jul. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that are in front of us. Remember Jul, God is all-knowing.”.


Hindi rin nakatiis ay nagpost ang tiyahin ng dalaga at kapatid ni Marjorie, na si Claudine Barretto, na maawa at tigilan na ang kanyang mga pamangkin, mag usap sila ng personal.


“Kuya, tama na !“Tumigil ka na please! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Please stop! Mag-usap tayo.”

Nais na rin mag pa interview ni Dennis Padilla kay Karen Davilla, upang lumabas din naman ang panig ng kanyang kwento at nang malaman ng mga tao ang buong katotohanan.




“@iamkarendavila... Pls be fair to all... You need to interview me,” Post ni Dennis sa kanyang Instagram.

No comments