Lolo na na-Stroke, Nailigtas ng kanyang Apo dahil sa "FAST Method" ng teleseryeng "2G2B"
Nailigtas ng isang Apo ng kanyang Lolo sa Stroke dahil sa paggamit nito ng "FAST Method" na napanood niya sa umiere ngayong teleserye na "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Hindi lubos akalain ni Camille De Chavez, na taga Batangas, na malaki ang maitutulong sa kanya ng panood ng teleserye. Nang dahil dito ay nailigtas niya ang kanyang Lolo Esing sa Stroke.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng bumubuo ng show dahil hindi lang pang kasayahan ang nabibigay nito, nagbahagi rin ito ng mga medical information na maaring magamit ng mga manonood sa kanilang mahaharap na emergency.
“Nadała namin siya sa ospital noong Sept. 5 nang malaman namin na na-stroke siya. Ginamit ko kasi yung F.A.S.T method and noong nakita ko yung signs dinala na namin siya. Naka-confine naman siya agad. Nakalabas lang siya last Friday (Sept. 9) at on-going pa rin yung check-ups niya.” kwento ni Camille
Ang FAST Method ay napanood sa episode 61 ng "2 Good 2 Be True" na kung saan ginawa ni Ali (Isang nurse, na ginagampanan ni Kathryn Bernardo) ang Fast Method (Face drooping, Arm Weakness, Speech Difficulty, Time to Call 911), na kung saan nakumpirma nga niyang na Stroke si Lolo Sir, na ginampanan naman ni Ronaldo Valdez.
Nagbigay naman ng mensahe sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para kina Camille at Lolo Esing. Nagpadala rin ng mga prutas at letters ang mga bumubuo sa primetime show.
“Noong una ko siyang nakita sobra akong na-touch kasi ‘yun naman ang gusto naming mangyari sa lahat ng shows namin sa ABS-CBN — ang makatulong at maging helpful yung ginagawa namin,”
No comments