Mahigit P3,000 pesos na halaga ng pagkain, Binogus ng Customer!


Humingi ng tulong ang uploader na si Renche Corrales sa Facebook Community, dahil nabogus ang kaibigan nitong delivery rider na si Jayson Laureño.Kinancel kasi ng customer ang order nitong mga pagkain na nagkakahalaga ng mahigit P3,000 pesos. Kinokontak pa raw niya ito ngunit hindi na sumasagot at tuluyan na siyang nakablock dito.

Dismayado at nanghihina ang delivery rider na nagpatulong na sa kanyang kaibigan, dahil sa panlolokong ginawa sa kanya ng kaniyang customer. Para sa rider ay napakalaking kalugian nito sa kanyang paghahanap buhay.


Ilang minuto lamang matapos maipost, ay dumagsa sa kanila ang mga mensahe ng mga taong may mabubuting puso, na bilhin at pakyawin na ang kinancel na order ng pagkain. Masayang masaya at malaki ang pasasalamat ng delivery rider na si Jayson at ng kaibigan nito na si Renche, dahil na solve na ang kanilang problema.


Malaki ang naitulong sa atin ng mga Delivery Rider, mapa Food Panda, Grab, Toktok o ano pa mang kumpanya ito. Lalo na noong panahon pa ng pandemic, dahil halos lahat tayo ay bawal lumabas,sila ang taga hatid at taga bili pa ng ating mga kailangan sa bahay, at hanggang ngayon ay napapakinabangan natin sila sa paghatid at pag pick up ng mga bagay bagay na nais nating makuha.


 Kaya sana ay wag natin silang lokohin, abusohin at paglaruan sapagkat buwis buhay ang kanilang ginagawang paghahanapbuhay sa kalsada. 


No comments