Mga Giant Sculptures Na Ito Gawa Sa Papel, Nakakabilib !


Nakakamangha ang mga malalaking obra na ito, na gawa ng artist na si Allan Cruz. Ibinahagi niya sa isang exhibit sa Bocaue, Bulacan ang naggagandahan niyang paper sculptures na hinubog sa mga sikat na anime characters, katulad ni Monkey D Luffy ng One Piece at kumpleto ang mga kasamahan nitong mga pir@ta.


Mahigit sa 400 paper sculptures na ang nagawa ni Allan, dahil taong 2013 pa ito nagsimula. Marami na rin siyang mga naibentang obra, lalo na kapag kinakailangan niya ito upang pangbayad sa mga bayarin.


Sa sobrang ganda at angas ng kaniyang mga obra ay ginagawa na itong pang regalo o dili kaya dinadagdag niya ang mga ito sa sarili niyang koleksyon.


Board paper, Styro, Karton at Glue ang mga materyales na ginagamit niya sa paggawa ng kanyang mga art. Ginawa niya raw ang mga sculpture nina Monkey D Luffy, Shanks at Uta bilang paghahanda at pag suporta sa nalalapit na One Piece Red Movie sa bansa.


Ang kanyang mga papercraft sculpture ay gawa sa vellum board, piniprint ni Allan ang naisip niyang inspirasyon  o templates na nakukuha nya rin online. Inaabot nang tatlong araw hanggang anim na buwan ang paggawa sa mga ito, depende kung gaano kalaki at ka komplikado ang design.

Sa ngayon, ay itinatago niya muna ang mga ito at nilalabas nalang kapag mayroong mga exhibit event.



No comments