PANOORIN! 4-Anyos na Bata, Pumanaw Matapos Pag-Malupitan ng kanyang Madrasta
Bata pumanaw dahil sa pagmamalupit ng kanyang stepmother Namatay ang 4 na taong gulang na bata sa Bamban, Tarlac , dahil umano sa pagmamalupit ng kinakasama ng kanyang ama.
Puro sugat at pasa ang natamo ng bata sa kamay ng kanyang madrasta. Nakuhaan pa ito ng video ilang araw bago ito dalhin sa ospital at pumanaw, nagsusumbong at inilalahad nya sa kaniyang tiyahin ang mga ginagawang pang aapi sa kanila ng kanyang madrasta.
Sinusuntok umano siya, pinapakain ng sili at tinutusok-tusok sa tiyan. Sinisipa at minamaltrato rin daw ito ng mga anak ng kanyang stepmother. Ayon pa sa tiyahin ng bata ay nangyayari raw ang pang aabuso habang nasa Maynila ang ama nito kung saan ito nagtatrabaho.
"Yung maselang bahagi ng pamangkin ko, tinali. May sugat-sugat pa nga. Tapos yung sa ulo niya inuntog sa pader. Pina-check-up ko siya sa pedia, pinadala na siya sa surgeon dahil ganun na yung kalagayan niya," kwento ni Gema Galang, ang tiyahin ng bata.
Nakalagay din sa death certificate ng bata na nagkaroon ito ng septic shock, bukod dito ay nagkaroon din ng biktima ng multiple abrasion sa katawan.
"Sobrang sakit po. Kahit pamangkin ko lang sila inaagaan ko sila. Gusto ko sana makulong lahat ng may sala sa bata," ani Gema.
Nang mainterview ang ama ng bata, ay mariin niyang itinatanggi na sinasaktan ng kanyang girlfriend ang kanyang mga anak, bagkus ay inaalagaan pa raw ang mga ito. Patuloy din hinihingi ni Mam Gema Galang, ang kustodiya ng iba pang mga kapatid ng bata, dahil naroon pa din ang mga ito sa puder ng ama at ng madrasta.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng awtoridad ang insidenteng ito, at inaalam ang tunay na dahilan ng pangyayari.

No comments