PANOORIN!!! Higanteng mga Paniki o Giant Golden-Crowned Flying Fox, Dumagsa sa Zamboanga City


Dumagsa ang maraming Higanteng Paniki o Giant Golden-Crowned Flying Fox sa malalaking puno ng acacia sa Plaza del Mar sa Zamboanga City.

Nagulat ang mga tao dahil first time pa lamang nilang makakita ng ganito kalaking mga paniki sa kanilang lugar. Ngunit nag paalala agad ang DENR (Department of Environment and Natural Resources) Region 9, na huwag matakot, huwag huhulihin at huwag papatayin ang mga ito.


Ang Giant Golden-Crowned Flying Fox ay isang herbivore ibig sabihin, ang kinakain lamang nito ay mga halaman, prutas at mga bulaklak na tumutulong din sa polinasyon at pagpapakalat ng mga binhi sa lupa.

May mga flying fox na matatagpuan talaga sa ilang probinsya ng Zamboanga City, ngunit ito ang unang pagpakakataon na mamataan ito sa centro ng lugar. Sinabi ng OIC-Chief ng DENR PENRO, technical services division ng Zamboanga Sibugay na si Michael Dela Cruz, ay maaaring dumating ang mga flying fox na ito sa sentro ng lungsod, dahil naabala na ang kanilang natural na tirahan.


“Under sa Wildlife Act natin, hindi pwedeng i-disturb kung saan sila dumadaan at yung feeding lalo na yung nasa mga urban center. Naghahanap 'yan sila ng shelter,”

“Isa na ang climate change pero nag-migrate na sila kung saan sila safe,” ani niya.

No comments