Panoorin! Viral |Gimik ng isang Guro ,May Pa Zumba, Vitamins at Almusal pa


Kakaiba ang gimik at diskarte ng gurong ito sa pag tuturo sa kanyang mga estudyante. Siya si Teacher Jeric Maribao ng Misamis, Occidental. Sa kanyang inupload na video sa kanyang Facebook page na "Jerics Chanel", ay kinagiliwan at hinangaan ang kanyang kakaibang pamamaraan ng pagmo motivate na pagbutihan ang pag aaral ng mga bata.



Pag pasok pa lamang ng mga estudyante sa kanilang classroom, ay mayroon ng mga inihandang pagkain ang kanilang guro, makikita rito na mayroong itlog, tinapay at inumin, may kasama rin itong pagsasayaw ng zumba, upang makapag exercise at gumalaw galaw na rin ang mga bata, mayroon ding mga placards na nakasulat ang ibat ibang mga propesyon na gustong makamit ng kanyang mga estudyante

Makikita rin sa iba pang mga video ng guro ang pagiging malikhain at masayahin nito habang nagtuturo, siguradong nag eenjoy ang kanyang mga estudyante habang siya ay pinapakinggan. Naitampok na rin siya sa iba't ibang interview dahil sa kanyang energy sa pagtuturo.



"I want to develop their eagerness to study. I always believe kasi na kahit eager sila pero walang laman ang kanilang tiyan, wala talagang learning at all. I always find the beauty in it by providing snacks or food for them everyday,".

"I always influence them too that they should foster their jobs in the future by wearing a headdress [that] symbolizes their preferred professions. The deep cause for this is that this is to level up their motivation," saad niya.


Nakakabilib talaga ang dedikasyon ng gurong ito sa kanyang trabaho, na kahit sarili niyang pera ay ilalaan niya para sa kabutihan ng kanyang mga estudyante. Talaga namang tumatayo siyang pangalawang magulang ng mga ito.

No comments