Pinoy Barbero sa Canada, Milyonaryo at Social Media Personalities ang mga Suki


Isang Pilipino nanaman ang namamayagpag ngayon sa social media dahil sa husay at talento niya sa pag gugupit at hairstyling, ang mga kliyente pa nito ay mga Milyonaryo at Social Media Influencers.

Siya si Jamiel Bustos, 18 anyos, na mula sa Toronto Canada, 4 years old palang ay nakahiligan na niya ang hairstyling. Napakapihikan daw ito pagdating sa kanyang gupit at hairsttle, kwento ng kanyang ina.



“Every now and then na magpapagupit, ‘Mom I wanna try another one, I didn’t like my haircut before.’ So hanap na naman ako. Sabi niya kasi ang hair ang nagbibigay ng ganda sa isang tao. Siguro nandoon ‘yung interes niya sa ganu’n,”- Leslie Bustos, ina ni Jamiel

Dahil hindi mapakali si Jamiel sa kanyang mga hairstyle ay napagpasyahan niya na siya na lamang ang maggugupit sa kaniyang sarili. At dahil dito ay napagtanto niya na may talent pala siya sa panggupit at hairstyling.



“I love getting my haircut. I would get my haircut once a week. So I was like ‘You know what, might as well try this one on my own.’ So I started cutting my own hair,” ani Jamiel.

“It felt amazing finally having someone sit in the chair and actually trusting me. It’s all about trust and it’s all about, it’s your image right? You want to look as best as possible and the person doing your hair is pretty much in control of that,” dagdag pa nito.



Masaya niyang ibinahagi ang mga videos ng kanyang pag gugupit sa kaniyang TikTok account, dahil dito nagtrending at napansin siya ng mga bigtime at mga sikat na personalidad sa Canada.

Ilan sa mga napahanga ni Jamiel at mga naging kliyente niya ay mga CEO, Milyonaryo, Negosyante, Abogado, Real Estate Developer at mga Influencers.

Naranasan na rin daw niya ang ipasundo siya ng kaniyang kliyente sa pamamagitan ng helicopter. Nakarating na rin siya sa iba't ibang bansa para lang mang gupit.

Sa ngayon ay eksklusibo muna ang kanyang serbisyo sa pag gugupit sa pag set ng appointment, subalit sa mga darating na panahon, iniisip niyang magtayo na rin ng sarili niyang barberya sa Canada.

No comments