Professor, Nag-Volunteer Na Mag-Alaga Ng Anak Ng Estudyante Niyang Nag e-Exam
Hinahangaan at kinaaliwan ngayon ang isang professor, matapos nitong bantayan at alagaan ang anak ng isa niyang estudyante, dahil nais niya umano itong makapag focus sa kanilang exam.
Sa inupload na video ni Ezza Fatima Leonor Permaci sa kanyang Tiktok account ay kinaaliwan ang ginagawang pag aalaga ng kanilang professor sa bata, na anak ng isa nilang kaklase, habang abalang abala sila sa pag eexam.
Ang professor sa nag viral na video ay si Professor Andres Basa Sequito na kasalukuyang nagtuturo sa Samar State Univesity sa Catbalogan City, Samar.
"The moment when one of his students bring a baby to the class and wanted her to focus on the exam,"
Imbes na isipin niyang makakaistorbo lamang ang pagdadala ng anak sa klase sa kanyang pagtuturo, ay nagpresinta pa umano si Prof. Andres, na siya na ,muna ang bahalang mag-alaga sa bata upang makapag focus ang ina nito sa pagsagot ng kanilang exam.
"He is not only imparting knowledge to his students, but also giving the full understanding, kindness, and love as a second parent," ani ni Ezza Permaci.
"Di lang siya magaling mag turo, tutulungan kapa mag tiwala, wag sumuko at abutin ang pangarap mo," dagdag pa nito.
Marami ang nagsasabi na napakabait, maintindihin at jolly raw itong si Prof. Andres. Sobrang cool nga din daw nitong si Sir kaya naman maraming mga estudyante ang may paborito sa kanya.
Pinatotohanan ng mga dati niyang estudyante ang kabaitan ni Prof Andres.
"Good Job! He really do that during our college days. Siya rin nakarga kay Liam ,Zia and Xian na mga anak ko. Dinadala niya sa kanyang office. Thank you and salute to you always Sir!" pagpapasalamat ng dating estudyante ni Sir Sequito.
Ngunit Sa likod ng pagiging jolly ni Prof Andres ay nakatago ang dinadala niyang problema, ang asawa kasi nito ay mayroong sakit na Stage 5 Chronic Kidney Disease, ngunit kahit na ganun ay nanatili pa rin ang kabutihan sa puso ng professor.
Bilang sukli sa kabaitan ni Sir Sequito ay nanawagan ng tulong ang mga opisyal ng eskwelahan para sa asawa nito.
No comments