Security Guard sa Cebu, Nangholdap ng Gasolinahan | 3 Buwan ng Walang Sweldo


 Isang security guard sa Cebu ang nangholdap ng isang gasolinahan dahil sa 3 buwan na raw itong walang natatanggap na sahod.

Ayon sa press release post ng Aloguinsan Police Station, na pinangunahanni Police Lieutenant Roberto Barnido, Jr., nangyari ang panghoholdap noong Setyembre 26, bandang 12:32 ng tanghali, sa Purok 3 Brgy. Bonbon, Aloguinsan, Cebu.


Mayroon daw na isang lalaki na nakasakay sa motor ang lumapit sa gasolinahan, nang bigla na lamang daw ito nag deklara ng holdap at nagpaputok, agad namang tumakbo ang mga trabahador at nakakuha ang holdaper ng P10,000 pesos.


Agad ding nakaresponde ang mga pulis ng Aloguinsan at nadakip ang isang lalaki.

Kinilala ang salarin na si Reynato Joverin Sarquilla, 46, at naninirahan sa Purok 3, Bonbon, Aloguinsan, Cebu. Napag alaman na isa pala itong Security Guard sa Pinamungajan District Hospital.

Agad na pinutahan ito sa kaniyang bahay ngunit wala doon at nakita ang motor naka park sa hospital at doon na nga nakita at nadakip si Reynato na nagbibihis sa kanyang locker.


Nakuha sa suspek ang 45 kalibre ng bar!l at 4,250 pesos. Narecover din sa gas station ang bala at deformed slug na pinaputok ng suspek.


Mabilis na narespondihan ng mga pulis ang insidente at ipapataw sa susperk ang karampatang parusa.

No comments