Vhong Navarro Sumuko Na Sa NBI Matapos Ma-Isyuhan Ng Warrant Of Arrest!
Nitong lunes, sumuko ang TV Host / Actor Comedian na si Ferdinand Navarro o mas kilala nating "Vhong Navarro" sa NBI (National Bureau Investigation) , matapos maisyuhan ng "warrant of arrest" dahil sa "act of lasciviousness'' ng Taguig court.
Ito ang isa sa mga isinampang kaso noon ng dating model na si Deniece Cornejo sa kanya. Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Vhong, mananatiling nasa kustodiya ng NBI si Vhong Navarro hanggang sa maaprubahan ang kanyang inirerekomendang piyansa, na nagkakahalaga ng P36,000 pesos.
Dismayado at nalulungkot si Vhong sa itinatakbo ng kanyang kaso, ngunit handa siyang harapin ang lahat ng ito, dahil alam niya sa sarili niya na simula't simula ay nagsabi na siya ng totoo.
“Ever since na nagsimula 'to, nagsabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsinungaling. Consistent ako dun sa mga affidavit namin. Kumbaga lahat kinwento ko dun. 'Di ba paulit-ulit kong sinasabi, ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko rito ay 'yung niloko ko 'yung girlfriend ko noon at ito na 'yung wife ko noon,”
"Alam nating hindi totoo 'yung alegasyon... Lumabas na 'yung mga CCTV footages kung saan napakita na wala pang isang minuto mula nung lumabas sa elevator si Mr. Navarro ay pumasok naman si Ms. Deniece Cornejo sa elevator. Nakangiti siya, she was prinning at herself, at her reflection in the elevator, she was very calm, at in fact 'yung mga iba pang CCTV footages magpapakita na may kinausap pa siyang mga security guards at wala siyang reklamong sinabing ni-rape siya," depensa ni Atty. Alma Malongga.
Matatandaan noong taong 2014 ay inakusahan ni Deniece Cornejo si Vhong Navarro na ginahasa raw siya nito noong January 22 sa kanya mismong condominium unit , kalaunan ay sinabi rin nito na nauna pa siyang hinalay nito noong January 17, parehong taon.
Ibinasura na noon ng DOJ ang kaso laban kay Vhong dahil sa inconsistent na statement ni Deniece pero pinagbigyan ng Court of Appeals kamakailan ang request ng kampo ni Deniece na dalhin na sa korte ang kanilang kaso.

No comments