5 Bayaning Rescuer na Nasawi sa Bulacan, Nailibing Na !



Nailibing na ang limang (5) bayaning rescuer na nasawi kamakailan sa San Miguel, Bulacan, dahil sa super bagyong Karding, na tumama nitong Setyembre, sa kalupaan ng Luzon.

Kinilala ang limang magigiting na rescuer, na sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome, na nasawi sa kasagsagan ng bagyo, papunta sa San Miguel, Bulacan upang rumesponde sa mga naipit sa baha.


Naunang naihatid sa kanilang himlayan ang 3 rescuer nitong sabado, October 1, 2022, na sina Troy Agustin, sa isang memorial park sa Sta.Rita Village, George Agustin naman sa Himlayang Kayumanggi sa Calumpit, Bulacan at Narciso Calayag, Crus na Wawa Cemetery sa Malolos, Bulacan.


Nito namang linggo, October 2, 2022, naihatid na rin ang dalawa pa, na sina Jerson Resurreccion sa Catmon Cemetery Sta.Maria, Bulacan at Marby Bartolome sa Legacy Memorial Park, Malolos, Bulacan.


Labis labis naman ang pagdadalamhati ng kanilang mga pamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).


Nangako naman ang gobyerno na hindi naman papabayaan ang mga naiwang pamilya ng limang (5) bayaning rescuer, marami rin ang nag pa abot sa kanila ng tulong pinansyal, kabilang na ang Pangulong Bongbong Marcos, mga pribadong sektor at mga indibidwal.


Mayroong ding nagbigay ng scholarship para pag aaral ng mga kanilang mga anak na naiwan.

Ginawaran naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang limang bulakenyong rescuer ng '' Bakas Parangal Ng Kagitingan''.


Tunay ngang nagpamalas ang 5 bayaning rescuer ng kanilang katapangan, kagitingan at pagmamalakasakit sa kapwa, kahit na ang buhay nila ay iaalay. Hindi kayo malilimutan ng sambayanan.

No comments