Andrew Schimmer Ibinalik Ang Asawa Sa Ospital; Naglabas ng Hinaing Ukol Sa Di Umanong Kapabayaan Ng Nutritionist Nito


Nagbigay ng update ang aktor na si Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang asawa na si Jorhomy ''Jho'' Rovero, na kamakailan lamang ay naiuwi na nila sa kanilang bahay, mula sa matagal na pamamalagi nito sa hospital dahil sa matinding asthma attack, na nagresulta sa atake sa puso at brain hypoxia.


Limang araw ang nakalipas ay nilagnat ito at nagsuka, kaya todo monitor ang aktor sa kalagayan ng kaniyang asawa, nais rin komunsulta nio Andrew sa pulmonologist para sa kondisyon ng kaniyang asawa.


Muling ibinalik ng aktor ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa taas ng lagnat nito na umabot sa 39.2. Humihingi rin siya ng dasal para sa agarang pag galing nito.


Naglabas din ng hinaing si Andrew sa Nutritionist ng kaniyang asawa dahil umano sa kapabayaan nito.


“Paano namang hindi lalagnatin ‘yung tao? Can you imagine, ito ‘yung laman ng kidneys mo? Diyos ko, kawawa. Tingnan n’yo manas na manas ‘yung ano niya oh, kawawa naman,” saad ni Andrew.

“Saan po dadalhin ng pasyente ninyo itong 6 grams of sodium na ‘yan? Saan? Paki-explain naman. As a result, sobrang taas ng creatinine level niya ngayon. ''


''Tingnan n’yo naman, hirap na hirap ‘yung tao. Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw,” ani Andrew sa kaniyang video.

“Diyos ko, Panginoon, tulungan N’yo po kami. ‘Wag n’yo pong pababayaan ‘yung asawa ko. Hindi niya po kasalanan ito, negligence itong nangyari sa kaniya ngayon,” dasal ni Andrew.


Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang kampo ng nutritionist o ospital hinggil sa reklamo ni Andrew.



No comments