Angelica Panganiban Ipinakita Na Sa Publiko Ang Mukha Ng Kaniyang Baby Girl


Ipinakita na ng aktres na si Angelica Panganiban ang mukha ng kaniyang anak na si Baby Amila, matapos maipanganak nito lamang nakaraang buwan.

"Hello world! It’s been a month," the caption said. "Mom and dad are finally ready to share me with you. So, here I am." ayon sa post ni Angelica sa kaniyang mga social media.


Kitang kita ang kagandahan ng anak nina Angelica Panganiban and Gregg Homan, na si Baby Amila sa kaniyang mga larawan, dumagdag pa dito ang greyish na kulay ng kaniyang mga mata, makikita din na nakangiti ito sa isa niyang litrato na lalong nagpa cute sa kanya.


Bumuhos ang mga papuri ng mga netizen sa cute na cute na baby girl na ito, gayundin ang mga kapwa artista at kaibigan ni Angelica sa showbiz ay nahuhumaling sa ganda ni Baby Amila.


mariajolina_ig- ''Juskoday!!!!! Ang nasabi ko pala ay ang pogi pero nasa isip ko ANG GANDA!!!!!! Anyare sakin??? NAMESMERIZE KASI AKO SA MATA E! Graaaaaaay eyes!!!!!!''


itspokwang27 - ''apaka gandaaaaa!!!! pwera usog naman''

alorskieee - ''Good luck Daddy @gregg_homan Ganda ng anak mo!''

maymay- ''Halaa apaka cute man nyan mam oy''


Ipinanganak ni Angelica Panganiban si Baby Amila Sabine Homan nitong September 20, 2022.

No comments